Kabanata 11

412 19 0
                                    

Island


~~~🌸~~~


"Can you walk now? Masakit pa?" This was I think the tenth time he asked me the same question. Kahit na halos yakap-yakap na niya ako hindi pa rin siya makuntento sa mga sagot ko.


I'm okay, my legs are fine. Ganun din ang mga braso ko. Ang peklat na lang siguro ang iisipin ko sa ngayon.


"Ayos nga lang ako, Lukas!"  Sagot ko.


Nakakapagod din magpaulit-ulit sa kanya pero dahil nakakatuwa parati ang reaksyon niya, hindi ko magawang tuluyang mainis. Nasasagot ko pa rin ito kahit paulit-ulit lang.


"Are you sure? I'm worried, Alia. Baka hindi pa talagang maayos." Hawak niya ang aking siko at maingat akong iginaya paupo sa malambot na sofa. Kakagaling lang namin ng hospital sa bayan para patingnan ang mga sugat ko at hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na talagang magaling na ako. Nailalakad ko na ng tuwid ang mga paa ko. At sa braso naman ganun din, maayos na at parang normal na ang lahat.


"Magaling ang gamot na ibinigay nila. See?" Turo ko sa mga sugat ko. "They are okay now. 'Yong mga marka na lang ang problema ko. Sana effective rin ang ibinigay nilang ointment para rito."


Sinuri ko ang mga binti ko, pagkatapos ay ang mga braso ko naman. Hindi na masakit at sa tingin ko kaonting pahinga pa at tuluyan na akong babalik sa dati. Magaling na rin ang sugat sa ilalim.


"Bukas din babalik na ako sa pagtulong kay nanay Lydia sa mga paninda niya, ikaw ba hindi ka pa kailangan nila Aidan?" Tiningnan ko siya. Abala pa rin ito at parang baliw na tinitingnan ang mga sugat ko. Para bang hindi makuntento sa mga sinabi ng doctor kanina at mga sagot ko.


"Lukas..." Natatawa kong pigil dito. Hindi pa rin talaga siya makuntento.


"I am just checking you Alia, hindi ako naniniwala roon sa doctor kanina. Halatang may gusto lang sa'yo eh. Mukhang hindi naman ginagawa ng maayos ang trabaho." And he's at it again. Tuluyan akong napatawa kaya napatigil siya. Kanina pa rin niya sinasabi ang mga iyon mula pa noong lumabas kami ng tanggapan ng doctor. Paulit-ulit at akala mo nasisiraan na ng ulo.


"You're crazy, Lukas!" Tumatawa kong puna rito. Hindi ko akalain na hanggang dito ipagpipilitan niya iyon.


"What? It's true. I think he likes you."


"I don't think so, Lukas! Masyado ka lang oa." Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya at tumayo na lang. Lumakad ako ng pabalik-balik sa kanyang harapan.


"See? I'm totally fine." I try to move my arms too to show him that I am okay, and in the end I made poses in front of him.


"Ikaw lang ang nag-iisip na hindi ako okay. Maayos na ako Lukas, see?" Inilihis ko ang laylayan ng suot kong bestida to show him my fully healed wounds, although not that fully healed but enough to move the way I used to before.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon