Kabanata 24

579 26 6
                                    

Selfish


~~~🌸~~~


I know it shouldn't be like this. First was, it is not appropriate in this situation. Nadala ako ng galit, nagpadala ako sa matinding emosyon na hindi dapat. Ikalawa ay hindi ito ang plinano kong mangyari. Yes, I am considering what Cassiopeia had told me pero hindi ganito ang balak kong mangyari.


Tumakbo ako, wala akong pakialam sa mga nababangga ko basta ang gusto ko lang ngayon ay ang makalayo. Makatakas sa katangahan ko na hindi ko dapat ginawa in the first place. Gustong-gusto kong sigawan ang aking sarili. Gustong-gusto ko ng saktan ang sarili ko dahil sa matinding katangahan pero nandito na. Wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang kabaliwang ito.


Tumakbo ako palabas ng bar at mabilis na tumungo ng parking para sa aking sasakyan. Hindi ko nagawang magpa-alam pa kina Andra pati na sa mga kaibigan nito. Siguro itetext ko na lang siya. Ngayon, kailangan ko munang makaalis.


Malayo pa lang pinatunog ko na ang aking sasakyan. Halos lakad-takbo ang ginawa ko palapit dito ngunit ilang hakbang mula sa aking sasakyan ay isang matigas na kamay ang siyang nagpatigil sa akin. Mula sa aking likuran hinila ako nito paharap sa kaniya kaya halos sumalpok ako sa matigas niyang dibdib.


"What the fuck, Alia! Let's talk! Don't run away from me!" Matigas ang kanyang boses katulad kung gaano katigas ang pagkakahawak niya sa akin.


Hindi ko magawang makagalaw na kahit anong gawin ko hindi ko man lang mabawi ang aking braso mula sa kaniya.


"Lukas bitiwan mo ako—


"Ano iyong sinabi mo?" Matalim ang kanyang mga titig sa akin. Nahihimigan ko ang matinding galit pero ang pakiusap ay naroon din. Kaya't umiwas na lang ako ng tingin.


Hindi ko siya kayang harapin sa panahong ganito. Matapos ang katangahang ginawa ko? Hindi! Hindi ko siya kayang harapin! Wala akong sapat na lakas.


"Ano 'yon, Alia! Tell me!" Tumaas ang kanyang boses. Hindi ko alam kung anong gagawin lalo na nang maramdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod.


Damn it! Oo at galit ako sa kaniya. Binalak ko ring huwag sabihin sa kanya ang katotohanan at habang buhay na lang na ilihim at kahit kailan hindi ko naisip na magiging ganito ang lahat.


Hindi lang sa mga mata niya makikita ang galit. Hanggang sa kanyang boses alam kong nandon ang pinipigilang damdamin na konti na lang sasabog na ng tuluyan. Sinubukan kong bawiin ang aking braso ng hindi tumitingin sa kaniya pero muli niya itong hinila para harapin ko siya.


"Alia talk to me! Sabihin mo sa akin anong ibig mong sabihin? Ano iyong sinabi mo kanina? Tell me goddammit!"


"Bitiwan mo ako Lukas! Bitiwan mo ako!" Gamit ang lahat ng natitira kong lakas itinulak ko siya palayo. Nagawa ko naman ito kahit kaunti at iyon ang ginamit kong paraan para makatakas.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon