Leave
~~~🌸~~~
Inikot-ikot ko ang laman ng aking wine glass. This is my third shot. Napakabilis ng oras, ito na kaagad ang ikatlong shot ko ng tequila. I want to get drunk! I want to forget. Fucking forget everything.
It's been years, if I didn't lose count, I think this is the fifth year. Fuck! Five years had passed pero heto pa rin ako. Parating hinihila ng nakaraan pabalik.
"Are you okay? Kanina ka pa tulala?" Tanong sa akin ni Ylyanna.
Hindi ko siya nilingon. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang alak na nasa baso ko at inisang lagok. Gumuhit ang lasa nito sa aking lalamunan pababa kaya ng ibagsak ko sa mesa ang baso parang doon ko naramdaman ang unti-unti nitong epekto.
"Alia, hindi ka naman siguro galit sa amin hindi ba?" Hanggang ngayon ito pa rin ang issue nila.
Hindi pa rin sila natapos. Sandali kong nilingon si Ysabelle bago ako nagtawag ng waiter para umorder ng panibago.
"I'm sorry Alia. Alam naman namin na pwede kaming magpakilala sa'yo kaagad para hindi na umabot sa ganon but you know, limang taon na rin kasi ang nakaraan. Gusto lang naming malaman ni Ysabelle kung wala pa rin bang nagbago sa kakayahan mo." Si Ylyanna matapos ubusin ang laman ng kanyang baso.
"And guess what? Napatunayan namin na once an Assassin, always be an Assassin. Ang galing mo pa rin makipaglaban, Alia. Limang taon na ang nakalipas at limang taon ka na ring naipit sa lugar na iyon pero wala man lang nabago sa galing mo."
Umirap ako sa kawalan. Ang maingay na paligid at madilim na lugar kasama ng sumasayaw na iba't-ibang kulay ng ilaw ang nagbigay buhay sa buong paligid. Ang maingay na musika ang nagdudulot ng dagdag kalasingan sa lahat.
Nilingon ko ang ang mga nasa paligid. Ang mga nagsasayawan sa gitna, ang mga nasa kabilang table malapit sa amin. Puno ng alak ang buong paligid pati na rin usok ng sigarilyo mula sa mga smokers na bawat sulok.
Mabilis kong naubos ang laman ng baso ko. Pang-ilan na ito pero bakit parang hindi pa rin ako tinatamaan. Gusto kong malasing! Gusto ko pag-uwi ko mamaya sa bago kong tinutuluyan matutulog na lang ako. Ayaw ko ng maalala ang nakaraan. Gusto ko matulog ng tahimik.
"Hey Alia! Galit ka pa rin ba sa amin? We're sorry! Totoo iyon, sorry talaga."
Nilingon ko na si Ylyanna. Hindi ko alam kung pang-ilan na ba niya itong paghingi ng sorry at naiirita na talaga ako. Para siyang sirang plaka. Sinabi ko ng tapos na iyon at huwag ng ulit-ulitin pa pero ang kulit niya!
"Can you fucking stop?" Nagtatangis na ang mga bagang ko.
Naiirita na akong marinig ang paulit-ulit niyang sorry. Sa halip na hindi ko na naaalala, dahil sa paguulit-ulit niya lalo lang akong naiinis.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...