Favor
~~~🌸~~~
"L-lukas?" I stuttered and shock filled me.
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Punong-puno ang katawan nito ng dugo. Hanggang sa kaniyang braso at mga kamay.
Anong nangyari?
I was about to asked, palapit na sana ako rito ng bigla siyang umiwas. Lumiko at tinungo ang pinto papunta sa kusina. Hindi ko maintindihan kung ano ang galit na nakita ko sa kanyang mga mata pero sa kabila ng lahat ng tanong ko sa aking utak sinundan ko siya. Pumunta rin ako ng kusina para makita ito at maitanong kung anong nangyari.
Ngunit hindi pa ako nakakapasok ng pinto ng bumungad ang kanyang bulto sa akin. Nakahubad ng damit at nakalatag sa aking harapan ang kanyang katawan.
Umiwas ako ng tingin but questions keeps on playing in my mind kaya naman muli ko itong nilingon.
"L-lukas—
Hindi man lang niya ako pinatapos kahit sa pangalan lang niya. Nilampasan ako nito at tumungo sa kanyang kwarto.
Ano bang nangyari? Bakit siya duguan at bakit iniiwasan niya ako? Ngunit hindi rin naman siya nagtagal sa kaniyang kwarto at lumabas din. May dalang kulay puting tuwalya at damit bago tumungo sa banyo.
"Lukas anong—
I was answered by a slammed door.
Wow! Great Lukas Dela Cruz! Ipagpatuloy mo 'yan! Natutuwa ako sa ginagawa mo!
Wala na akong nagawa kung hindi ang pagmasdan ang nakasaradong pinto sa aking harapan. Pabagsak niya itong isinara kanina at hindi man lang ako pinatapos sa aking mga tanong. Nilingon ko ang pinto ng kaniyang kwarto.
Gusto kong malaman ang nangyari at kung hindi niya ako sasagutin, hindi niya ako maiiwasan.
Naglakad ako palapit sa kaniyang kwarto. Hinawakan ko ang door knob nito at ng pihitin ay nakabukas. Marahan kong itinulak ang pinto para bumukas. Nakapatay ang ilaw pero ang amoy ng buong kwarto ay parang siya. Pumasok ako atsaka muling isinara ang pinto. Dahan-dahan.
Hindi ko binuksan ang ilaw, hinayaan ko lang na madilim ang buong kwarto dahil sanay naman ako sa ganito. Malinaw ang mata ko kahit na ganito kadilim at hindi iyon problema. Nakabukas din ang bintana sa gilid kaya ang liwanag na nanggagaling sa labas, sa buwan at mga bituin ay nakakapasok sa loob at nagsilbing liwanag sa buong kwarto.
Tinungo ko ang maliit na kama. Kung para sa akin siguro dalawang ako ang kakasya rito pero iniisip ko palang na isang Lukas Dela Cruz ang nahihiga rito? Parang masyadong maliit ang kama para sa kaniya.
Naupo ako rito at bahagya itong gumalaw. Hanggang dito naaamoy ko ang pamilyar niyang amoy. Hindi ko sana gusto ang tumungo rito at hindi irespeto ang kaniyang privacy pero hindi niya ako pinapansin kanina. Para akong hangin na dinadaan-daanan lang. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya kaya ngayon tingnan ko nalang kung maiiwasan mo pa ako.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
Storie d'amoreIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...