Kabanata 15

287 18 1
                                    

Dugo


~~~🌸~~~


Hanggang ngayon para pa rin akong baliw. Hindi ko alam kung saan nga ba talaga ako naiiyak. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito?


Ang sakit sa dibdib ng mga sinabi niya. Napakalamig na halos sumaksak sa dibdib ko. Bumalik ako sa bahay at tumuloy sa aking kwarto na parang nakalutang. Hindi ko alam kung saan hahanapin ang tamang eksplenasyon para pagaanin ang aking loob pero kahit saan ako tumingin nasasaktan pa rin ako.


Ang tono niya kanina para bang ayaw na talaga niya akong makausap. Kaya habang nakahiga sa aking kwarto, nakatulala lang ako sa kawalan. Walang masabi at halos dinala na ata ng hangin palabas ang aking antok. Masyadong okupado ang utak ko na nagpaulit-ulit pa talaga sa aking isip ang mga sinabi niya. Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali maliban sa pagkamiss sa kaniya. Iniisip ko kung may nagawa ba akong hindi tama para maging ganoon siya.


Pero maaari naman talaga iyon, hindi ba? Busy siya. Maraming ginagawa. Abala sa trabaho. Kailangan kong iintindihin iyon. Pero masakit talaga.


Habang nakahiga, naramdaman ko ang mainit na likidong naglandas sa gilid ng aking mga mata. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang mga ito. Hinayaan ko na lang dahil wala rin namang saysay. Pupunasan ko at kalaunan tutulo na naman ang panibago. Para saan pa, hindi ba?


Ngunit sa kabila ng pag kumbinsi ko sa aking sarili, na maaari ngang busy lang siya, abala sa trabaho at mga tungkulin niya biglang sumingit sa akin ang mga sinabi ni Makkie.


Kung talagang abala siya, bakit sabi ni Makkie hindi naman nito nagagawa ng maayos ang kanyang trabaho sa Underground? Parati siyang wala, madalas hindi mahagilap at nasabi rin niyang parati itong nasa bar? Paano siya naging abala kung ganon?


Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking tabi. Pinagmasdan ko ang mga text messages na walang reply mula sa kaniya. Napakahaba na nito. Sinubukan kong basahin isa-isa at halos muli akong maiyak. Para akong binabasag sa loob ko.


Ako :

Good morning :)


Ako :

How's your day?


Ako :

Makkie's here. Bumisita siya.


Ako :

Kailan ka uuwi? I really miss you!


Ako :

Mag-iingat ka parati.


Ako :

Goodnight :)


Naiiyak na akong lalo habang pinagmamasdan at binabasa ang mga texts ko sa kanya. Walang reply, kahit isaman lang wala. Kahit sa mga tawag, wala rin. Hindi niya sinagot maliban sa tawag ko kanina.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon