Kabanata 28

398 21 0
                                    

Forever


~~~🌸~~~


Para akong nanlamig mula sa aking kinatatayuan. Dahan-dahan kong pinahid ang kulay pulang likidong tumilapon sa aking mukha. Tiningnan ko ang kamay ko at halos matulala ako rito.


Dugo.


Tiningnan ko ang taong nakatayo sa aking harapan. Unti-unti, bumagsak ito sa sahig habang patuloy ang paglabas ng mainit na dugo mula sa malaking hiwa sa kanyang dibdib.


Inilipat ko ang mga mata ko sa isang taong dumaan ng mabilis sa pagitan namin ng bumagsak na iyon. Hawak ang isang matalim na katana sa kaniyang kanang kamay. Dumadaloy rito ang dugo ng taong muntik ng kumitil ng buhay ko kanina. Sigurado ako na kung hindi niya iyon napigilan at naunahan sigurado akong, ako ang nasa sahig ngayon. Nakalupasay habang walang buhay.


"L-Lukas..." Tawag ko rito.


Lumingon siya sa akin pero kalaunan ay inilipat ang mga mata sa dalawang lalaking nasa tabi ko. Nakababa na ang mga sandata nito hindi katulad kanina na nakatutok sa aking leeg.


Nakita ko ang pagtango ni Teijie. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon pero nasagot iyon ng dalawa pang tao ang tumabi sa amin. Hindi ko na kailangang magtanong dahil nasisiguro ko kung sino ang mga iyon.


Lumapit sa tabi ko si Lukas at hinawakan ang kaliwa kong kamay. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin bago ako pinagmasdan ng mariin.


"You okay?" He sounds so worried.


Wala naman siyang dapat pang ipagalala dahil sa ginawa niyang pagliligtas sa akin sa tiyak na kapahamakan tama ng sagot. Hindi ko magawang sumagot kaya napatango na lang ako.


"What are you doing?" Tinig ni Mr. Kim ang siyang tila kulog na dumagongdong sa apat na sulok ng silid. Napatayo na ito mula sa kanyang kinauupuan nang humarap sa aming anim.


Si Makkie at Teijie na pumwesto sa magkabilang gilid namin ni Lukas habang ang dalawa pang nasa bandang unahan namin. Tila ba pomoprotekta.


Ylyanna, Ysabelle...


Hindi ko na kailangang magtanong dahil nasisiguro kong sila nga iyon.


"I hope you are all aware of the consequences." Matalim na boses ni Mr. Kim na para bang binabalaan na kami sa lahat ng parte at kaganapang maaaring mangyari.


Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa. Ako at si Lukas lang ang involved sa gulong ito. Kung haharang at ipagpapatuloy nila ito, malaking gulo ang maaaring mangyari. They could get the worst and I don't want that to happen. They are my friends. Binitawan ko saglit ang kamay ni Lukas at lumakad palapit sa mga kaibigan ko. Hinawakan ko ang braso ni Ysabelle atsaka ko nilingon si Ylyanna pati na sina Makkie at Teijie. Umiling ako para sabihin na umatras sila para hindi madamay pero inalis lang ni Ysabelle ang takip sa kanyang mukha. Revealing her entire face.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon