Please
~~~🌸~~~
"Now, you're not just being unfair. You are also being unreasonable!"
Hindi ko siya magawang tingnan. Nanatili ang mga mata ko sa parteng malayo sa kaniya. Ayoko siyang makita! Ayokong harapin ang mga mata niya, ayokong harapin ang mga titig niya!
"Please let's talk about it. Please Alia—
"Now look what you are doing!" Singhal ko rito. Marahas ko siyang nilingon kasama ng nanlilisik kong mga mata. Hindi ko maitago ang sobrang galit, ang sobrang sama ng loob, ang sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan pa pupulutin ang mga tamang salita gayong nag-uumapaw ang halo-halong emosyon sa akin.
Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya naaalala ko lang ang galit ko. Ang matinding galit sa dibdib ko. Siya ang dapat na sisihin kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nawala ang munting anghel ko sa akin. Siya ang dapat na sisihin!
"You are being unfair too, Lukas!" Nagtangis ang aking mga bagang habang nagsasalubong naman ang kaniyang mga kilay. Kumukunot ang noo at para bang pilit hinahanap sa mga sinabi ko ang karagdagang eksplenasyon.
"Noong nasa malayo ka, I want us to talk pero asan ka? Anong ginawa mo?" Nabasag ang boses ko pero ngayon desidido akong ilabas ang lahat ng galit habang nakaharap sa kaniya. Wala akong pakialam kung basag-basag na ang boses ko, wala akong pakialam makita man niya akong harap-harapang umiyak. Wala na akong pakialam!
"Gustong-gusto kitang makausap noon Lukas pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Gustong-gusto kitang makausap pero wala ka! Gustong-gusto kitang makausap pero parang wala kang pakialam sa akin. Gustong-gusto kita—
Nabasag ang boses ko. Nakagat ko na ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang aking sarili sa paghikbi dahil hindi ko na kaya. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Umalis ka na lang," pinaghalong pakiusap at pag-uutos ang lumabas sa aking bibig.
Habang nakatalikod, habang nakaiwas sa kaniya ng tingin hindi matigil ang mga mata ko sa pagluha. Habang nakatanaw sa malayong parte ng silid, unti-unting lumaki ang bara sa aking lalamunan.
"Please Lukas, umalis ka na." Nakikiusap na ang tono ng boses ko. Napayuko ako habang pinagmamasdan ang aking mga daliri na nakapatong sa aking mga hita.
"Huwag ka ng babalik, ayaw na kitang makita. Umalis ka na, Lukas..." Ang nakikiusap kong tono ay unti-unting naging pabulong.
Hindi naman siya umalis. Naramdaman ko ang pagkilos niya sa aking tabi. Sinubukan niyang kunin ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas.
"Alam kong may kasalanan ako, noong umalis ako but can we talk? Please, please Alia huwag ganito. Mag-usap muna tayo, pag-usapan natin ito."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...