Kabanata 9

378 17 30
                                    

Halik

~~~🌸~~~


"Mukhang namiss mo ito, huh?" Nakangiting biro ni nanay Lydia habang pinagmamasdan akong abala sa ginagawa kong palamuti.


Ilang araw ko rin itong hindi nagawa. Nakakatuwa lang dahil bumalik na siya sa pagtitinda sa bayan kahit hindi ako makakasama, ang mahalaga nakakatulong ako.


"Ilang araw din po kayong hindi nagtinda sa bayan. Namiss ko po talaga ito, lalo na at wala akong mapag-kaabalahan." Ngumiti ako.


Ilang araw din akong nasa bahay lang. Matutulog, manonood tv. Lalabas sa tabing dagat para magpahangin at manonood ng papalubog na araw. Iyon lang at halos paulit-ulit lang.


"Si Lukas ba? Kailan uuwi?" Tanong niya.


Bahagya akong natigilan. Nahinto ang kamay ko sa paggalaw. Hindi ako naging handa sa biglaang pagbanggit niya ng pangalan ni Lukas. Ngunit ilang segundo lang naman, mabuti nalang at nagawa ko ring bumalik sa huwesiyo at alanganing napangiti.


"Hindi ko po sigurado nay, ang sabi niya may mahalaga raw sa trabaho na biglaan siyang pinatawag. Pero babalik din naman daw kaagad." Sagot ko.


Hindi na ako sumagot. Alam ko naman kung gaano kahalaga ang iniwan nyang trabaho. Sadyang siya lang itong matigas ang ulo. Kinailangan ko pa siyang ipagtulakan at piliting umalis.


"I'm sorry, I can't make it. I'm actually busy right now." Palabas ako ng kanyang kwarto ng marinig ko itong may kausap sa kaniyang cellphone. Mahina ang boses pero hindi ako bingi para hindi iyon marinig.


Dahan-dahan ang pagbukas ko ng pinto kaya wala itong nalikhang ingay.


"Damn it Uno! I'm sorry okay? I can't!"


Is  he talking to Aidan?


Nanatili ako sa pinto habang nakikinig. Alam ko na hindi tama ang makinig sa usapan ng ibang tao but I can't help it. Isa pa hindi ko naman sinasadya. Palabas ako ng pinto ng marinig ko siya. Kung talagang hindi iyon pwedeng marinig ng iba sana lumabas siya at doon nakipag-usap.


Tuluyan na akong lumabas. Isinara ko ang pinto at doon na niya rin ito narinig. Nilingon niya ako at ang sandaling gulat ay nakita ko sa kaniyang mga mata.


"I have to go, Aidan. I'm sorry. Balitaan niyo nalang ako." Pagpapaalam niya sa nasa kabilang linya bago ito pinatay at lumakad palapit sa akin.


"Hey!" Bati niya.


Tiningnan ko lang siya. Tuloy-tuloy ang lakad ko papunta sa banyo. Nag-toothbrush ako at naghilamos atsaka inayos ang aking sarili. Gusto ko na sanang maligo pero ang mga sugat ko kailangan ng matinding pag-iingat. Kaya minsan kailangan ko pa si nanay Lydia para magawa ito ng maayos. Lumabas ako ng banyo at doon ko siya naabutan. Nasa labas ng pinto at naghihintay sa akin.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon