Lost
~~~🌸~~~
"Ihahatid na kita, Alia!"
Hindi ko alam kung pang-ilan na ba ito. Pero paulit-ulit siya sa pamimilit kahit na ilang beses na akong tumanggi.
"Makkie hindi na nga kailangan. May dalang sasakyan si Ylyanna. Siya na ang maghahatid sa amin ni Ysabelle." Magkakasama kaming naglakad palabas ng bar. Madaling araw na pero napakarami pa ring tao.
Patuloy niya ring ipinipilit na ihahatid ako kahit hindi na kailangan. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar bago kami tuluyang lumabas. May hinahanap ang mga mata ko, ayoko man pero parang may sariling buhay ang mga mga mata ko na ayaw sumunod sa gusto ko. Kanina pa sinusuyod ang buong lugar kahit na medyo mahirap dahil medyo madilim at dumarami na rin ng husto ang mga tao.
Damn it! Bakit ko nga ba siya hinahanap? As if it has sense. Wala na rin akong rason pa para hanapin siya. Pero kanina ng makita ko siyang tumayo hindi ko na siya ulit nakita. Umuwi na kaya siya?
Tsk! Bakit ko nga ba siya hinahanap? Tumalikod na ako. Nauna akong lumabas ng pinto habang nakasunod sa akin ang apat. It's already two in the morning. Lasing na lasing na si Ysabelle. Si Teijie na nga rin ang umaalalay rito. Mabuti na lang at hindi na rin uminom ng sobra ni Ylyanna, siya pa naman ang magmamaneho ng sasakyan niyang maghahatid sa amin.
"Sigurado ba si Ylyanna na hindi siya lasing? Baka kung mapano kayo sa daan?" Tsk! Huminto ako. Nilingon ko siya bago ko tiningnan ang halos wala ng malay na si Ysabelle.
"We're fine Makkie, really! Sila Ylyanna ang kasama ko papunta rito kaya gusto ko ring samahan sila pauwi. Kayo ang mag-iingat. Medyo marami ata kayong nainom ni Teijie." Pinagmasdan lang niya ako. Kitang-kita ang talim sa kanyang mga titig kaya't napapahaba na lang ang mga labi ko para mapigilan ang mga ngiti.
Mukhang ayaw talaga niyang magpatalo, kaya lumapit na ako rito. Humawak ako sa kanyang braso atsaka ngumiti, giving him the assurance. Nakita ko pa ang gulat sa kanya ng sundan ng tingin ang kamay kong kumapit sa kanjifying braso.
"I am fine, okay? Tutulungan ko rin si Ylyanna na dalhin si Ysabelle sa bahay nila. Hindi ko naman sila pwedeng iwan." That was true. Ayokong hayaang mag-isa si Ylyanna. Isa pa alam ko namang pagod na silang dalawa ni Teijie galing pa sila sa kung saan bago tumungo rito para samahan kami. Kaya kung ihahatid pa niya ako sobrang out of the way na. Ayoko naman ng gano'n.
Tumingin siya sa akin, kahit na andon pa rin ang pagtutol nakita ko na ang paglamlam ng kanyang mga mata. Mukhang epektibo. Bumaling siya sa akin na kahit mukhang galit pero alam kong konti na lang at papayag na rin ito.
"Mauna na kayo, mag-iingat kayo, huh?" Lumapit na ako kay Teijie at hindi na hinintay pa ang mga sagot niya. Kinuha ko na mula sa kaniya si Ysabelle at doon na kami nagtulong ni Ylyanna. Ipinasok namin ito sa likod ng sasakyan. Nang maipwesto ng maayos si Ysabelle at komportable ng nakahiga sa backseat, umikot si Ylyanna papunta sa driver's seat bago ko naman nilingon ang dalawang lalaki sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...