WAKAS

781 37 14
                                    

Alia Dayne Viaña and Lukas Dela Cruz story ends here. Maraming salamat po sa mga nakaabot dito. I hope you enjoyed their love story. Hanggang sa muli. ❣️


~~~🌸~~~


Gray and Old


~~~🌸~~~


"Sino ba ito hijo? Girlfriend mo ba?"


Ito na siguro ang ikalimang tanong ni manang Lydia sa bagay na iyon. Habang pinagmamasdan ang litrato ng babaeng ipinakita ko sa kanila.


Hindi ko alam kung paano sasagutin.


Girlfriend? Tsk! Hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa kaya paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko naman talaga kaano-ano ang babaeng iyon. Hindi ko siya matawag na kamag-anak o kahit kaibigan. Girlfriend pa kaya? Pero sana... sana nga girlfriend ko na lang siya.


"Nag-away ba kayo? Nagkatampuhan? Asan na ba siya?" Napapailing ako sa dami ng tanong niya.


Mabuti pa ang asawa niyang si mang Lando at hindi naman nag-uusisa pa. Matapos kung ipaliwanag sa kanila ang gusto kong mangyari wala na itong masyadong tanong. Maliban na lang talaga sa kanyang asawa.


"Mahabang kwento po. Pero mamayang gabi darating na siya rito sa isla. Wala po siyang kakilala na taga-rito kaya gusto ko sana na bigyan niyo siya ng bahay na matutuluyan. And please, please don't tell her anything." Tiningnan ko ng mabuti ang matandang mag-asawa na nasa harapan ko.


"Huwag niyo pong babanggitin sa kaniya ang tungkol sa akin. Na kinausap ko kayo, na ginagawa ko ito. Hangga't maaari po paniwalain niyo na lang siya na ang lahat ng ito ay hindi sinasadya. I don't want to complicate things."


"Tsk! Tsk!" Umiiling na sagot ni manang Lydia matapos sandaling tumayo para muling kunin sa akin ang picture ni Alia.


"Kayong mga kabataan talaga oh! Kung mag-aaway kayo ng kasintahan niyo pero mahal niyo pa naman pala ang isa't-isa bakit kailangan maghiwalay? Hangga't kaya niyo, pag-usapan niyo. Mahirap palakihin ang problema naku naman talaga!" Pangaral niya atsaka kami tinalikuran ng kanyang asawa na si mang Lando.


"Pagpasensyahan mo na Lukas, ganyan talaga 'yang asawa ko. Ayaw niya kasi ng pag-aaway na hiwalayan ang ginagawang solusyon. Gusto niya sa mga bagay na pinag-uusapan."


Nangiti na lang ako habang nakikinig sa mga kasunod pang paliwanag ni mang Lando. Mabuti na lang talaga at mabilis kumilos ang mga tauhan ko. Sila ang nakakuha ng lokasyon kung saan binabalak ni Alia pumunta matapos niyang ipatapon palabas ng Underground.


At mabuti na lang din dahil kakilala ng isa sa mga tauhan ko ang mag-asawang sina manang Lydia at mang Lando. Kaya ang lahat ay hindi naging mahirap. Bago pa makarating dito si Alia handa na para sa kanya ang lahat. Hindi ko na kailangang mag-alala pa. Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano uubusin ang mga pesteng pilit na lumalapit sa kaniya.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon