Kabanata 13

281 17 1
                                    

Laugh


~~~🌸~~~


Panibagong linggo ang nakalipas. Panibagong pitong araw at pakiramdam ko nangungulila pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit umabot ng ganito katagal pero kahit anong pagkagusto kong magtanong hindi ko ginagawa.


Naghintay lang ako, dahil hanggang ngayon naniniwala ako sa kaniya. He'll come back. He will come back for me. Wala akong dapat na ipag-alala dahil gano'n pa rin naman. We exchange texts, we call each other everyday. I know almost his entire day, well that is based on what he is telling me. Pero simula kahapon hindi pa siya nagpaparamdam. Pero isang araw pa lang naman, kaya wala akong dapat na ipag-alala, hindi ba? Baka busy lang at maraming ginagawa.


Isa pa ilang linggo rin siyang namalagi rito sa isla. Marami siyang bagay na naiwan, lalo na sa tungkuling nakapataw sa kaniya ngayon. Being the Cronus leader is not easy. Lalo na at karagdagang tungkulin ito maliban pa sa naunang ipinataw sa kaniya.


Pinunasan ko ang aking labi habang palabas ng banyo. Kanina pa ako nahihilo, ang aga-aga at ang sama kaagad ng pakiramdam ko. Ngunit nasa tapat pa lang ako ng maliit na pinto ng mapatakbo akong muli sa loob ng banyo. Hindi pa ako nag-aagahan pero pakiramdam ko isinuka ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko.


Damn it! What's wrong with me?


Muli akong napahilamos at binantayan ang sarili. Napasandal ako sa pader at kinalma ang aking buong sistema. Pakiramdam ko gusto ko pang masuka pero wala ng inilalabas ang tiyan ko.


Napapikit ako at napatingala. Hinawakan ko ang mga sugat ko na ngayon ay talagang magaling na. Kahit ang mga marka ng sugat ay unti-unti na ring nawawala. Effective ang ibinigay ng doctor na gamot para rito. Nang tuluyan ng kumalma ang aking sarili, doon na ako nagpasyang lumabas. This will be a long day. Marami kaming gagawin ni nanay Lydia at siyang dadalhin sa bayan. Wala rin si tatay Lando dahil nangingisda pa rin ito at mukhang magiging abala hanggang mamayang tanghali. Siguradong wala kaming makakatulong ni nanay Lydia mamaya kung hindi kaming dalawa lang talaga.


"Alia!" Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si nanay Lydia. Dala-dala ang ilang lalagyan ng pagkain.


"Halika at sabay na tayong mag-agahan." Tumuloy siya sa kusina para roon dalhin ang mga pagkaing dala. Sumunod ako at hindi na siya pinaghintay pa.


Kumuha ako ng isang upuan at naghila para makaupo. Pero ng buksan ni nanay Lydia ang takip ng isa sa dala-dala niya muntik na akong maduwal sa mismong harapan nito.


Bigla akong napatayo, "Nay ano 'yan?"


Lumayo ako at tinakpan ang ilong. Nagtataka naman si nanay Lydia sa naging reaksyon ko. Hindi niya alam kung saan titingin, palipat-lipat ito. Sa akin at sa pagkaing tinakpan at inilayo niya ng bahagya.


"A-anong nangyari?" Naguguluhan niyang tanong.


Hindi ako nakasagot agad. Unti-unti kong inalis ang pagkakatakip ko sa aking ilong gamit ang palad. Natakpan man niya kaagad ang pagkaing iyon, hindi naman nawala ang amoy. Pakiramdam ko nasa hangin pa rin ito at pilit pinapabaliktad ang aking sikmura.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon