Kabanata 30

486 26 0
                                    

Poison


~~~🌸~~~


They all stayed for an hour. Kwentuhan, asaran at tawanan ang namayani sa aming lahat hanggang sa makatanggap sila ng tawag mula sa Underground. Kailangan na sila kaya umalis na rin ang mga ito. Ngunit bago sila tuluyang nagpaalam I got a chance to talk to Makkie. Siya ang nahuli kaya nang mahabol ko ito bago tuluyang makapasok sa elevator nagkaroon kami ng ilang minuto para makapag-usap.


"Hey!" I don't know where to start. I was kinda nervous. He's looking at me intently now and I can't stared back at him.


"Uhm..." Naghanap ako ng maaaring sabihin. Sa sahig ako nakatingin dahil hindi ko siya magawang maharap ng maayos.


"I... uhm, I—


"Bumalik ka na roon Alia. Kailangan na kami sa Underground kaya mauuna na ako." Tumalikod siya muli pero hindi ko kayang talikuran niya ako na ganito kaming dalawa.


"M-Makkie wait!" Tinawag ko nga siya pero hindi ko naman alam kung ano ang dapat na sabihin. Kaya ng muli niya akong lingunin nawala na naman ang boses ko.


Narinig ko ang pagtikhim niya. Umigting ang panga atsaka umiwas ng tingin. Sa bahaging ito mas nabigyan lang ako ng maayos na tanawin para sa kanyang panga na marahas ang mga galaw.


"Are you happy with him?" He asked. And that question shakes the hell out of me.


Lalo akong nangapa ng pwedeng sabihin dahil sa takot na magkamali ng isasagot kaya lalo akong napayuko. Hindi ko siya kayang harapin dahil natatakot ako.


He's my friend, but what happened between us was kinda shaking. After all these years, for me he's an older brother, a dearest friend of mine. Never in my wildest dream I thought that he will confessed something like what he did. Kaya ngayon mahirap para sa akin ang pagmasdan ang lumalawak na pagitan naming dalawa. Lalo na sa bawat pagkakataon na tititigan ko siya, lungkot lang ang nakikita ko sa mga mata niya.


"Come here." He again, break the silence. Hindi pa ako nakakagalaw ng hilahin niya ako palapit sa kanyang katawan.


Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig kaya lalo akong nakaramdam ng kung ano. Napaka-init ng mga yakap niya at napakahigpit. Na para bang ipinapadama na ang bawat bagay na gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa.


"As long as you're happy, I will be happy too." He whispered.


Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi. Lalong nadagdagan ang bigat sa aking dibdib ng marinig ko ang lungkot sa kanyang boses. Damn it! He's my friend. And hearing his voice like this breaks my heart.


Dahil hindi ako makapagsalita, niyakap ko nalang din siya. Mahigpit. Mahigpit na para bang doon ko na lang din ipinadama sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin.


"Lukas and I talked, and he promised me he'll protect you." Saad niya habang nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon