Fall
~~~🌸~~~
"And why would I be jealous, Lukas?" Matabang kong sagot. Jealousy is not on my vocabulary. I've never been jealous. Never and no freaking way!
"I know, I know you won't. Kaya nga hanggang pangarap na lang ako." Lalo niyang ibinaon ang mukha sa aking leeg. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko alam kung paano. Para bang nawalan ng lakas ang mga kamay ko para kumilos at ilayo siya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Pilit akong lumalanghap ng hangin dahil pakiramdam ko hindi ito umaabot sa aking baga. Sa mga sinasabi niya pinagugulo niya ako ng sobra. Ano bang ibig niyang sabihin sa mga 'yon?
"Lukas ano bang mga sinasabi mo?" Sinubukan kong alisin ang kanyang mga braso sa aking bewang pero sa higpit ng pagkakayakap niya wala akong magawa. Hanggang sa huli, nanatili nalang ang kamay ko roon para mamahinga.
Natahimik kaming dalawa. Walang nagsalita at hindi rin naman niya sinagot ang mga tanong ko. Naguguluhan ako sa mga ginagawa niya. May mga ideya na pumapasok sa utak ko pero hindi ko kayang paniwalaan at tanggapin. Parang ang hirap?
"Alia hija!— oh Lukas nandito ka na pala!" Napapitlag ako ng biglang magsalita si nanay Lydia mula sa pintuan sa kusina. Hindi na siya lumapit ng tuluyan. Nanatili na lamang doon habang sumisilay ang mga ngiti sa labi at makahulugang tingin sa akin. Bumaba ang kanyang mga tingin sa pwesto ko. Nakaupo pa rin ako sa mga binti ni Lukas dahil hanggang ngayon ayaw pa rin ako nitong pakawalan. Gusto ko ng umalis pero lalo lang humihigpit ang kapit niya. Lalo na at nandito si nanay Lydia. Hindi ko gusto ang mga tingin nito na lalong nakakapag-pailang sa akin.
"Tapos na akong magluto." Saad ni nanay Lydia. Maayos naman ang tono nito pero ang makahulugang tingin at mga ngiti ay naroon pa rin. Making me uncomfortable and uneasy.
"Uuwi rin muna ako sandali at titingnan si Lando. May mga dinala silang isda sa palengke kanina. Titingnan ko lang kung nakauwi na ba."
Tumango-tango ako. Hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko hanggang sa mga salitang lalabas sa bibig ko magkakaroon ng kaguluhan kay nanay Lydia.
"Ikaw Lukas? Nagugutom ka na ba?" Tanong niya rito.
Magkasabay namin itong nilingon ni nanay Lydia. Sandali lang niyang inangat ang ulo para makita si nanay Lydia bago ngumiti at umiling.
"Hindi pa po. Maaga pa naman at kontento pa po ako sa pwesto ko." Sagot niya atsaka ako tiningnan ng may kasamang mga ngiti. He winked at me while hugging tightly.
"Mukha nga." Tumatawang puna ni nanay Lydia.
"Oh siya, maiwan ko muna kayo. Babalik na lang ako mamaya."
Hanggang sa makalabas si nanay Lydia hindi na ako nakapagsalita. Kaming dalawa ni Lukas ang naiwan at doon na napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong lugar.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...