Paradise
~~~🌸~~~
I feel so sore all over. Masakit ang mga hita ko, masakit ang braso, ang balakang at ang buo kong katawan. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang pamilyar na disenyo ng aking kwarto. Tiningnan ko ang suot ko mula sa ilalim ng makapal na comforter. I have now my white shirt and my underwear on. Nasapo ko ang aking noo nang maalala kung gaano ako hinila ng matinding pagod at antok kagabi. Si Lukas na nga pala ang nagpalit ng aking damit.
Umupo ako sa gilid ng kama. Wala na si Lukas pero may naaamoy akong mabango na nanggagaling sa labas ng kwarto. Tumayo muna ako at naglakad papunta ng banyo ngunit bago ako tuluyang makarating napadaan ako sa tapat ng aking tukador. Naroon ang malaking salamin at kitang-kita ko ngayon ang aking kabuoan.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. Isang oversized tshirt na pang-araw araw ko rito sa condo. Nang bumaba sa aking mga hita ang paningin ko doon ko nakita ang ilang marka. Tsk!
Hinaplos ko ang mga ito. Sa maputi kong balat, ang mga simpleng pamumula at marka ay mabilis makita kaya hindi na ako nagulat na matapos ang nangyari ganito ang makikita ko sa aking katawan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Ngunit huli ko na bago napansin na napapangiti na pala ako. Natigil lang ng biglang bumukas ang pinto.
Mula sa salamin sa aking harapan nakita ko si Lukas. He's topless and with his boxer shorts only. Ngumiti siya ng mapadako sa akin ang kaniyang mga tingin bago naglakad.
Damn! Is this how lovely it is to welcome a new day with this gorgeous man in my room?
Lumapit siya sa akin, pumwesto sa aking likuran atsaka ipinulupot ang mga braso sa aking bewang. Dahil sa ginawa niya umangat ng bahagya ang damit kaya lalong nakita ang aking mga hita. Katulad ko napadako rin doon ang kaniyang mga mata. Inilagay niya ang kaniyang baba sa aking kanang balikat. Itinagilid ko naman ang aking ulo para makapagpahinga siya roon ng mas malaya.
Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha gamit ang repleksyon sa salamin sa aming harapan.
His long gorgeous hair tied into a half bun. Ang kilay na makapal, ang matangos na ilong at ang hugis puso at kulay rosas na mga labi. Kahit kailan hindi siguro ako magsasawang pagmasdan ang napakagwapo niyang mukha.
"Did I hurt you too much?" Malambing niyang tanong. Maybe he's referring to those marks he saw from my thigh.
Umiling ako habang nangingiti. I may have those marks but I am not hurt.
"No you didn't." Mas malambing kong sagot. Pinatakan niya ng masusuyong halik ang aking leeg at ang aking balikat. Nangingiti naman ako habang dinadama ang malalambot niyang labi sa aking balat.
"I'm sorry." Saad nito sa pagitan ng bawat halik. Ngumiti naman ako at hindi na nagsalita. Hindi niya ako nasaktan. Kaya wala siyang dapat na ihingi ng sorry.
"I just missed you so much that I couldn't control myself. Did I drained you? Making love with you for countless times last night will surely be like that."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...