Love
~~~🌸~~~
Sabay kaming lumabas ng kotse. Pakiramdam ko nakalutang pa rin ako habang naglalakad kami paakyat ng aking unit. Gusto niya akong ihatid sa aking condo na hindi ko na kinontra. Gusto ko rin naman siyang makasama. Pagkatapos ng lahat ng narinig ko mula sa kaniya pakiramdam ko nagsayang lang ako ng taon na wala siya sa tabi ko para sa isang dahilan na wala naman pa lang kasiguraduhan.
Dapat noon pa lang tinanong ko muna siya, dapat noon pa lang nakipag-usap muna ako sa kaniya para sa bagay na nakasakit sa akin. Sabi nga nila walang hindi maaayos sa mabuting usapan at walang masasaktan kung matututong pakinggan. Ngunit hindi ko naman magawang sisihin ng lubusan ang sarili ko.
Nasaktan ako. Sobra akong nasaktan ng gabing iyon dumagdag pa sa pagkadurog ng aking puso ang nangyari sa aming anak. Pero ngayon, palagay ko'y ito na ang tamang panahon para ayusin ang lahat.
Papasok ng elevator ay magkahawak kamay kaming dalawa. Nararamdaman ko na rin ang lamig na nauot sa aking katawan lalo na sa suot kong spaghetti strap black bodycon dress. Hapit ang tela nila na yumayakap sa aking katawan. Kaya ngayon na matapos naming pumasok ng building ngayon ko lang naramdaman ang lamig lalo pa't naiwan ko ang jacket ko sa aking sasakyan. Susi na lang ang ibinigay ng inutusan ni Lukas sa kanya kanina kaya heto at pasimpleng nanginginig ang aking katawan.
Nang pumasok kami ng building kitang-kita ang mga matang sumusunod sa amin, particularly on this man beside me. Pero matapos makita ang magkahawak naming mga kamay halos sabay-sabay ang mga ito sa pag-iwas ng tingin.
Walang tao pagpasok namin ng elevator. Hinila ako ni Lukas palapit sa kanyang katawan at inilagay ang kamay sa aking balikat. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo ng mapabaling sa akin.
"Are you cold?" Tanong niya.
Naramdaman niya ata ito ng mahawakan ang balat ko. Kinagat ko ang aking labi at dahan-dahang tumango. I am cold. It's already midnight at pakiramdam ko nakatodo na ang aircon ng building kahit sa unang palapag pa lang. Lalo pa akong hinila ni Lukas palapit sa kaniyang katawan hanggang sa halos nakayakap na ang itsura niya sa akin. Sa kaniyang taas, umaabot lang ako hanggang sa kanyang balikat. Pakiramdam ko tuloy para lang akong isang paslit na walang kahirap-hirap tabunan gamit ang kanyang katawan.
He's features can compare to the gods from the ancient mythology. He's features are somehow perfect for me. Every detail was so vivid. Kaya ngayong nasa tabi niya ako wala akong ibang maramdaman kung hindi ang manliit.
Pagdating ng ikalimang palapag tumunog ang pinto at bumukas. Limang kalalakihan ang pumasok pero nang mapatingin sa amin ang mga ito nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Ang ilan pang nasa unahan hindi ko alam kung hahakbang ba papasok o aatras?
Ngunit nang makilala ko ang isa sa kanila, doon nanliit ang mga mata ko. Pamilyar siya sa akin. Agad kong inalala kung saan ko ba siya nakita ng bigla kong maalala.
Siya nga pala iyong nakaraan sa gym. Ang humarang sa akin bago ako pumasok. Tinaasan ko ito ng kilay pero hindi nakatakas sa akin ang pasa sa ilalim ng kanyang mata. Kaya ang pagtataray ko sanang gagawin ay napalitan ng pagtataka. Nakita ko siyang lumingon kay Lukas at sa kamay nitong nakayakap sa akin nang unti-unting sumara ang pinto.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomansaIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...