Kabanata 10

435 20 28
                                    

Wall

~~~🌸~~~


Napakabilis ng bawat pangyayari. Hindi ko siya kaagad napigilan hanggang sa pagbagsak ni Kenzo sa mga buhangin. Sapo ang pisngi kung saan tumama ang kamao ni Lukas.


"Lukas ano ba!" Itinulak-tulak ko ito at pinigilan sa paglapit kay Kenzo. His aura was different. Nanlilisik ang mga mata. His jaw is clenching with his fist on it's proper form. Humarang na ako sa kanyang harapan at ginawang pansangga ang aking katawan huwag lang siyang makalapit.


"Damn it Lukas! Tumigil ka na! Ano ba!" Napasigaw na ako. Hindi siya marunong makinig. Pinapalayo ko na ito pero tuloy pa rin sa paglapit. Humarang na nga ako't lahat ayaw pa rin niyang tumigil.


Dala ng matinding iritasyon at galit sa mga kilos niya naitulak ko ito. Pero pagdating ng dulo ako lang din ang napadaing. Napwersa ng sobra ang mga braso ko kaya naramdaman ko ang matinding sakit. Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya nang makita ang matinding pag-inda ko.


"Alia..."


"Tumigil ka na nga Lukas! Bakit ka ba pabigla-bigla nalang kung sumugod?" Sigaw ko rito at sininantabi ang sakit.


Muli ko siyang itinulak sa dibdib para makalayo sa akin. Nilingon ko si Kenzo na ngayon ay nakupo na sa buhangin habang iniinda naman ang pumutok niyang pang-ibabang labi.


"Kenzo!" Lumapit ako rito. I squatted in front of him to see his lower lip. Dumudugo ito, namumula rin. Tsk! I can't believe that he'll gone this far. Nag-uusap lang naman kami ni Kenzo bakit umabot pa sa ganito?


"Pasensya na Kenzo." Tinulungan ko itong tumayo pero hindi paman lang ako lubusang nakakahingi ng despensa sa nangyari isang kamay na ang humila sa akin. Hindi ako kaagad nakapagreklamo hanggang sa makita ko na lang ang aking sarili na nasa kanyang likuran. Tila ba itinatago ako mula kay Kenzo.


Magpoprotesta at itutulak ko na sana siya palayo ng biglang dumating si nanay Lydia. Humahangos ng biglang pumagitna sa aming tatlo.


"Susmaryosep! Santísima! Anong nangyari? Anong nangyari sa inyo, Lukas? Kenzo?" Dinaluhan ni nanay Lydia si Kenzo at tiningnan ang namumula nitong panga at pumutok na labi.


"Anong nangyari?"


Walang sumagot sa dalawa at nagpalitan lang ng masasamang titig. Kitang-kita ang pag-aalala kay nanay Lydia habang ako naman galit at iritasyon lang ang nararamdaman kay Lukas. Gusto ko sanang lapitan si Kenzo pero sa higpit ng hawak niya sa akin hindi ko magawang lumapit dito.


"Kenzo and I are just talking Lukas! Why did you—


Hindi man lang ako pinatapos, ang walanghiyang lalaking iyon talaga! Umalis siya sa harapan namin at mabilis na naglakad pauwi. Tinahak ang daan papunta sa bahay at hindi man lang ginawang lumingon.


Tinawag ko ito pero tumuloy-tuloy lang na para bang walang naririnig.


FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon