Kakaiba
~~~🌸~~~
Ang sabi niya babalik siya? Babalikan niya ako? Pero dalawang linggo na ang nakakalipas at wala pa rin akong balita kung kailan siya babalik. Nag-uusap man kami, sa mga text at tawag pero hindi ko sinusubukang magtanong. Gusto ko na siya mismo ang magsabi sa akin kung kailan siya uuwi. Ayoko na isipin niya na minamadali ko siya. Kahit na gustong-gusto ko na siyang pabalikin, naaalala ko naman ang mga bagay na sinabi ko sa kanya noon. Ayoko na talikuran, ayoko na iwan niya ang bagay at buhay na meron siya noon. Hangga't kayang ibalanse ang lahat iyon ang gusto kong gawin niya.
Pero gusto ko na siyang umuwi, ano bang gagawin ko?
Maaga akong nagising para makatulong kay nanay Lydia. Dalawang linggo na rin mula ng bumalik ako sa pagtulong sa pagtitinda niya sa bayan. Maraming nagtatanong kung ano raw ba ang nangyari sa akin noon at bigla akong nawala na sinasagot ko na lang ng mga ngiti. Alam ko naman na kahit anong tanong nila, hindi ko masasagot ng tama.
"Magandang hapon, Alia." Masyadong malalim ang mga iniisip ko habang naglalakad kaya hindi ko kaagad napansin ang isang taong lumapit sa akin.
"Alia, tulungan na kita riyan." Alok ni Yael. Isa siya sa trabahador sa isang tindahan malapit lang sa pwesto ni nanay Lydia. Nakita niya ang dala-dala ko. Hindi paman lang ako nakakasagot ng kunin na niya ito sa mga kamay ko.
"Matagal kitang hindi nakita ah? Saan ka nagpunta?" Alam ko naman na mabait siya, madaldal kung minsan at makulit pero ni-minsan hindi humaba ang usapan namin. Madalas siyang sumusubok na makipag-usap sa akin kahit na madalas ko itong hindi pinapansin.
"Wala naman, nagpahinga lang." Sagot ko para naman hindi niya isiping bastos ako. Isa pa tinulungan naman niya ako.
Napakarami pa niyang sinabi na nginitian ko na lang ang iba. Wala ako sa mood makipag-usap. Wala akong panahon ngayong pahabain pa ang usapan lalo na at napakarami kong iniisip.
"Dito mo na lang." Turo ko sa isang bakanteng mesa.
"Salamat Yael. Ako ng bahala rito marami pa akong ilalatag na paninda." Ayoko ng pahabain pa. Kaya kahit na alam kong hindi tama gumawa na ako ng paraan para umalis siya. Mukhang nakuha naman niya ito, kaya napakamot na lang siya ng batok at alanganing napangiti.
"Sige, mauuna na ako Alia. Magandang hapon ulit." Naiwan ako sa pwesto namin. Wala pa sila nanay Lydia dahil may dinaanan ito sandali. Ako na ang nauna at kasama naman daw niya si tatay Lando. Hindi pa sana ako makakampante ng makita ko sa paligid ang mga iniwang tauhan ni Lukas para magbantay sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/232583538-288-k294675.jpg)
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...