Target
~~~🌸~~~
Ilang minuto bago ko muling nakalma ang aking sarili. Limang taon, sa limang taon para ko lang pa lang niloko ang sarili ko. Kahit maliit na hakbang hindi ko nagawa paabante. Bilanggo pa rin talaga ako ng nakaraan. Nang madilim kong nakaraan.
Akala ko naman kahit konti natanggap ko na, mukhang wala talagang nangyari sa mahabang panahon na 'yon. Mukhang nagsayang lang ako ng panahon sa pag-aakalang natanggap ko na ang lahat, na nabawasan na ang sakit, na nakalimot na ako kahit na konti. Mukhang wala pa rin pala talaga. Masakit pa rin, nararamdaman ko pa rin ang pagkabasag ng puso ko na katulad kung paano ito nadurog ng pinong-pino noon.
"Is it.... is it, Lukas's?" Tanong niya.
Hindi ko na magawang hawiin pa ang mga luha dahil kahit anong gawin patuloy lang ito sa pagtulo na para nang may sariling buhay. Na kahit sabihin ko na sa sarili ko na tama na ayaw pa rin makinig. Ayaw tumigil. Kaya nang lingunin ko siya kasama pa rin ang mga luhang ayaw huminto sa akin. Ang sakit, ang sakit-sakit pa rin pala talaga.
Hindi ko na magawang magsalita kaya napatango na lang ako. Hindi ko rin alam kung paano niya nasabing kay Lukas iyon. Nablangko na ang utak ko. Sa halip na ikagulat ay sinagot ko pa ito.
Oo, anak namin iyon ni Lukas. Akala ko maging sa kanya mahihirapan akong aminin ang katotohanang iyon pero panibagong pag-aakala na naman pala ito. Para bang nawala ang harang, parang nawala ang alinlangan, para bang nawala ang takot. Nagawa kong aminin kahit na ilang taon kong kinumbinsi ang aking sarili na wala ng ibang makakaalam dahil sa takot ko ring makarating sa kanya.
"And does he know?" Tanong pa niya.
Ngayon doon ko na naramdaman ang pag-aalinlangan. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding paghahangad ng sagot para sa tanong na iyon.
Does he know? Of course he doesn't. At wala rin akong balak ipaalam sa kaniya. He's an asshole. Wala siyang karapatang malaman ang bagay na iyon. Kahit na wala na sa akin ang aking munting anghel para sa akin isa pa rin itong napakahalagang bagay at hindi ko gustong ipaalam pa sa isang walang kwentang tao.
Umiling ako. Hindi ko na kailangan pang dagdagan dahil nakita ko na ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata. Ang pagiging excited sa magiging sagot ko kanina ay napalitan ng panlulumo, ng lungkot at kung ano para sa sagot ko. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay kaya ng lingunin ko siya nakita ko pa ang malungkot niyang mga ngiti. Tumango-tango pa siya bago ako binitawan at lumayo ng bahagya pero ganun paman hindi pa rin nito inalis ang mga tingin sa akin.
"Why, Alia?"
Nakagat ko ang labi ko.
"Why? I'm sorry, alam ko wala ako sa lugar para itanong ang mga ito. Alam ko na wala akong karapatan para kwestyunin ang bagay na iyon pero hindi ba at karapatan pa rin niyang malaman?"
Alam ko, alam ko pero wala na akong pakialam para roon. I was stuck on that Island waiting for him. Iyong mga araw na nawawalan na ako ng pag-asa sa paghihintay dahil wala na akong marinig na balita mula sa kaniya. Halos ikadurog ng puso ko pero sa tuwing maaalala ko ang pangako ko sa kaniya muling bumabalik ang pag-asa sa akin pero ang malaman na ganun lang pala ang ginagawa niya rito sa Manila habang ako halos mabaliw na kakahintay sa kanya? No! He doesn't deserve to know a thing. An asshole like him doesn't have to know.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...