Lover
~~~🌸~~~
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Kahit na nagtatanong ako para sa mga titig na iyon ni Lukas mas mahalaga pa rin ang makatakas at makaalis sa lugar na ito lalo na at nagkalat na ang mga tauhan ni Mr. Tan. Nagtatakbuhan na rin ang ibang mga bisita palabas habang ang mga tsismosong reporters naman nagkalat na rin para makahanap ng scope. Damn it!
Ibinalik ko sa duffel bag ang sniper na ginamit ko atsaka ito itinapon sa ibaba. Sumakto naman ito sa tulak tulak na malaking container na lagayan ng mga basura ng isang janitress sa baba.
Bumaba na rin ko. Sa likod ako dumaan para hindi masyadong halata. Maingat akong bumaba at pagkadating ko sa gitna at dagat ng tao I acted like I was panicking too. Sumabay ako sa mga nagtatakbuhan para hindi masyadong halata. Ngunit sa mga kasunod na nangyari, doon na ako nagulat.
Magkakasunod na putukan ang narinig ko. Lalong nag-hestirya ang lahat. May ilang nadapa na dahil sa pagmamadali at may iba namang halos nag-iiyakan na sa takot.
Nakita ko ang ilang tauhan ni Mr. Tan na wala ng buhay ngayon. Nasa sahig at duguan.
Damn! Anong nangyayari? Napahinto ako sa pagtakbo. Buong akala ko ako lang ang kikilos sa gabing ito? Mukhang tama nga si Lukas, delikado ang lugar. Pero anuman ang gulong iyon ay hindi na ako makikisali.
Tumakbo na rin ako at mabilis na tinungo ang exit ng lugar ngunit muli akong napahinto ng makita ko sa sahig ang isang matandang babae. Duguan ang kanang binti nito, nahinto sa pagtakbo at sumisigaw ng tulong. Wala na sana akong balak mangialam. Paalis na sana ako ngunit hindi ko natiis.
Tumakbo ako pabalik sa matandang babae. Lumuhod ako sa kanyang harapan at sinuri ang tama ng baril sa kaniyang binti.
"Ayos lang po kayo?" Umiiyak siya. Umiiyak habang iniinda ang duguan niyang binti.
"Tayo na po, halika tutulungan ko kayo."
"Ang asawa ko... ang asawa ko..." Patayo na sana'y huminto pa siya. Itinuro niya ang sinasabi niyang asawa at doon ko nakita si Mr. Tan na wala ng buhay ngayon.
May tama ng baril sa kanyang noo.
Fuck! Si Mr. Tan ang kanyang asawa?
Hindi ko alam kung dapat ba akong maguilty, pero hindi naman ako ang pumatay sa kanya kaya walang dapat na ipag-alala. Pero mukhang sila ang pakay ng mga kalaban.
Tinutulungan ko ang matandang babae ngunit mukhang tama nga ang naging hinala ko. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin ng malamig na bagay ang naramdaman kong nakatutok sa aking ulo mula sa likod.
Napatigil ako kasabay ng pagsinghap ng matanda sa aking tabi.
May dalawa pang dumating, hinawakan nila sa magkabilang braso ang matandang babae na kasama ko at bahagyang inilayo sa akin ngunit hindi na ako naghintay pa ng panibagong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomantizmIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...