Kabanata 5

379 23 2
                                    

Gone


~~~🌸~~~


Nakapagbihis na ako ng isang simpleng itim na bestida. The spaghetti strap of it hangs freely on my shoulders. Habang ang haba ay tama lang sa itaas ng aking tuhod. This is what I usually wear but today is different. I don't think I can still be comfortable with it. I have Lukas with me and I don't know why I feel this kind of weirdness.


Para bang hindi na ako komportable sa mga kilos ko hindi tulad noon na wala akong pakialam. Pakiramdam ko mababawasan ang laya ko sa bawat galaw na gagawin ko.


"Uuwi muna ako para makapaghanda ng makakain niyo ni Lukas babalik nalang ako mamaya." Saad ni nanay Lydia habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.


Nakonsensya tuloy ako. I was supposed to protect them pero bakit parang ako pa ata itong nagiging pabigat? Hindi na nga siya nakapag tinda ngayon sa bayan pagsisilbihan pa ako?


"Nahihiya ako nay, pasensya na po. Pero kaya ko naman po magluto hindi naman 'yon gaano kabigat."


"Pero gusto ko ako na Alia. Ayoko na mahirapan ka pa." Pigil niya sa akin. Lalo tuloy akong nahiya.


Hindi na ako nakipagtalo dahil baka makulitan pa siya sa akin. Ipapangako ko nalang sa sarili ko na magpagaling kaagad para hindi na maging pabigat sa kanila.


"Marami nga palang binili si Lukas kaninang umaga. Nakita mo ba?"


"Binili po?" Nagsalubong ang mga kilay ko. Tiningnan ko siya sa salamin at ngumiti naman ito.


"Oo, napakarami nga eh. Naku 'yang boyfriend mo Alia napakayaman pala!" May kakaibang pagkamangha sa kanyang mga mata at tono na muntik ko ng kontrahin. Pabuka na sana ang mga labi ko ng maalala ko ang usapan namin ni Lukas.


Napakabilis ng ibang bagay pero alam ko naman na makabubuti rin ang ganito. Kailangan ko ng tulong mula sa kaniya. Kaya siguro tama lang muna na iyon ang paniwalaan nila. Hindi nalang ako kokontra.


Medyo basa pa ang buhok ko kaya hinayaan niya itong nakalaglag. Ang kahabaan nito ay nakalahad hanggang sa aking bewang.


"Oh siya, mauuna na muna ako para makakain tayo sa tamang oras." Ngumiti ako at hindi na komontra pa kahit nahihiya sa sitwasyon ko ngayon. Inalalayan ako ni nanay Lydia palabas ng kwarto. Nang nasa pinto na mabilis kaming sinalubong ni Lukas.


Kinuha niya ang isa kong kamay kay nanay Lydia atsaka ako inalalayan para  makaupo sa pahabang upuang gawa sa kahoy sa sala.


"Uuwi muna ako sandali Lukas at ako na rin ang magdadala ng pagkain niyo. Titingnan ko rin kung nakauwi na ba si Lando. Tanghali na."


Tumango ito, "Sige po."


Nang umalis si nanay Lydia kami nalang dalawa ang naiwan muli. Umalis siya sa tabi ko pero hindi rin nagtagal. Muli siyang bumalik dala ang isang tray na merong mga prutas. Ipinatong niya ito sa pabilog na mesa sa aking harapan.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon