Lies, Pride, Anger, Greed, Lust, and Jealousy, ilan lamang ito sa mga pagkakamali na hindi maiwasang maramdaman ng mga tao. Well, no one is perfect. Lahat tayo nakakagawa ng masama, lahat tayo ay nagkakamali.
Ngunit habang tumatagal hindi natin namamalayan na napupuno tayo ng negatibong emosyon, na siyang sumisira sa atin, na nagmamanipula sa atin. Kinokontrol tayo ng mga emosyong iyon. Wala tayong magagawa; everything is a mistake, unless you make it right.
Bawat tao ay may itinatagong kasamaan sa kanilang puso. Mas pinipili lang na gumawa ng tama, dahil sa takot sa karma. Dapat lang talaga na matakot ka, dahil ang lahat ng ginawa mo ay babalik sayo, sa panahong hindi mo inaasahan. Karma is like a boomerang. Halimbawa: Sinaktan mo ang kapwa mo, may tao ring dadating upang saktan ka—sa paraang hindi mo inaasahan.
But we don't have to worry, kasi meron din namang good karma, 'yon ay kung gumawa ka ng kabutihan. But in this world that we are living, having a pure heart is rare. Everyone has an evil lurking inside their body.
"Morana." Natigilan ako sa aking pagmumuni-muni dahil sa pagtawag ni Cessair sa'king ngalan. Sinamaan ko siya ng tingin, alam niyang ayaw na ayaw kong tinatawag na Morana. My name has a negative meaning, and I hate it!
Nakatayo siya sa pintuan ng aking silid at mukhang nagtataka kung bakit ko siya tinitingnan ng masama. Mukhang wala siyang kaalam-alam sa kanyang salitang binitawan.
"Oo nga pala, nakalimutan kong ayaw mong tawagin na Morana." Naaasiwang umiwas siya ng tingin habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Anong nais mo, pighati?" Muntikan na akong matawa dahil sa naging reaksyon niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Batid kong maiinis siya kapag tumawa ako.
His name means sorrow, and he doesn't like it when I call him "pighati".
"Tigilan mo ako, Morana." Pinandilatan niya ako ng mata saka pasalampak na umupo sa sahig, sa harapan ko.
"Kailangan na nating gawin ang ipinag-uutos ng nasa itaas. Ipinapaalala ko lang dahil baka nakalimutan mo," seryosong saad niya. Hinawakan ko ang aking baba habang nag-iisip. Wala ako sa tamang kondisyon upang gawin ang ipinag-uutos ni Boss Devine. Kahit sanay na ako ay hindi ko pa rin ito masikmura, hindi ko masikmurang pumatay ng inosente.
"Can I quit?" Wala sa sariling tanong ko, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Cessair habang umiiling.
"You can't, failed to do the mission means death." Death, why should I fear death? Death is me.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang pistol sa ilalim ng couch na inuupuan ko. This will be the last.
Napansin ko sa gilid ng aking mata ang paglabas ni Cessair sa aking silid. Mukhang maghahanda na rin siya para sa aming gagawin mayayang gabi.
Tumayo ako upang magtungo sa loob ng walk-in closet ko para magpalit ng damit. Inilugay ko mahaba, kulot at kulay itim kong buhok. Pagkatapos kong magbihis ay tinitigan ko ang suot kong black tube at itim na cargo pants. Napangiti ako ng mapait. I hate this life but I can't do anything to stop this. Ito lang ang bumubuhay sa akin.
Hinawakan ko ang gilid ng aking mata at at ang mapait na ngiting nakapaskil sa labi ko ay unti-unting napalis. I hate the color of my mismatched eyes. My right eye color is red and the left is blue. Itinatago ko lang sila sa pamamagitan ng contact lenses. I consider myself as a monster. A horrible heartless monster!
Hindi ko napigilan ang galit na namuo sa aking dibdib kaya sinuntok ko ang salamin nang malakas. Naglikha ng tunog ang pagkabasag nito at nahulog sa sahig ang ilang piraso, hindi ko alam ngunit habang nakatitig ako sa salamin ay nakaramdam ako ng kasiyahan.

BINABASA MO ANG
Cursed
Mystery / ThrillerThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...