I'm nervous... but that word isn't enough to explain how I feel. Morana is inside the OR, battling with death and holding into her dear life. I don't know if she's going to survive. The wound on her nape is fatal and a small metal from the car pierced into her body—almost hitting her carotid artery.
"Stop walking back and forth, maililigtas din siya," Sphynx said, she's leaning on the wall while staring at me, annoyance is visible in her eyes. "Hindi naman siya mamamatay, e. Have you already forgotten about the curse you bestowed on her?" Her lips twitched and her left brow raised. I even heard her scoff.
Mas lalo akong kinabahan dahil sa binitawan niyang salita. Alam kong binigyan ko ng sumpa si Morana, ngunit alam ko rin kung hanggang saan ang kaya ng kanyang katawan. It was killing me to see her in pain. I'm already losing my power, I won't be able to save her if she keeps on chasing death.
There's a brief silence between the two of us when Devland arrived. He was panting and breathing heavily, he must've ran from Cessair's room going here. He assisted Cessair as per Morana's request. He didn't leave him alone until he wasn't sure that he's fine.
"How is she? What happened? Why she's inside the OR?" I glanced at Sphynx, giving her a signal to answer Devland's question. Lumapit siya sa pinto ng Operating Room at bahagyang sumilip, marahil ay hindi siya mapakali sa kalagayan ni Morana.
"Wala pa kaming balita. Ang mabuti pa ay maupo muna kayo ni Cozbi, masyado kayong tensyonado. Sinisigurado kong hindi siya malalagay sa bingit ng kamatayan. Death is the one running away from her." Tumango si Devland at naupo sa waiting chair. Tinukod niya ang siko sa kanyang tuhod at ipinatong ang kanyang baba sa likod ng kanyang palad. Mukhang nag-aalala nga siya sa kalagayan ni Morana. Napailing ako at naupo sa kanyang tabi.
"Do you like her?" I asked pertaining to Morana. A small smile appeared on his lips. "Yes, I do like her," He admitted it, my brows furrowed and secretly glared at him. I'm irritated by his answers. Among all of the woman in this world, why Morana? I just choose to shut my mouth and did not bother to talk again. I lean on the chair, crossed my arms and drop my eyes close. Several minutes had passed, I almost feel asleep when I heard the door in the OR opened.
Sabay kaming napatayo ni Devland at mabilis na sinalubong ang doctor. Nagtatanggal ng mask ang doctor at gloves, mukhang nagulat pa ito dahil sa amin ni Devland. Si Sphynx naman ay nawawala, marahil ay bumili siya ng pwede naming mainom habang naghihintay sa balita.
"Kamusta po siya?" Magkapanabay naming tanong ng aking kasama.
"Maayos na ang kanyang kalagayan. Naalis na rin namin ang bumaong metal sa kanyang batok. Mamaya lamang ay ililipat siya sa ICU, under observation pa rin siya dahil sa tinamo niyang sugat at kailangang obserbahan ang pasyente sa loob ng ilang oras at kapag nasigurong maayos na siya ay maaari na siyang mailipat sa private room," pagpapaliwanag niya sa amin. Mataman akong nakikinig sa bawat salitang binibitawan niya, gano'n din si Devland.
"Pwede ba kaming pumasok?" Devland curiously asked the doctor, the doctor gave us a permission to get inside but only for a few minutes.
Naunang pumasok si Devland at ako naman ay naghintay muli sa labas. Saktong kakabalik lang ni Sphynx dala ang isang 'di kalakihang paper bag. Nilapag niya iyon sa upuang nasa tabi ko at hinalungkat, kinuha niya ang isang bote ng carbonated drinks at inabot sa akin na agad kong tinanggap.
"Hindi ba't tama ako? Walang mangyayaring masama kay Morana kasi hindi naman siya mamamatay," Nakangising sabi ni Sphynx saka binuksan ang isang bag ng chips. I don't know but I'm still anxious, something is definitely not right. I can feel that something bad is about to happen.
Nag-usap kami ni Sphynx at napansin kong hindi pa rin nakakalabas si Devland, kanina pa siya sa loob ng OR at dapat ay narito na siya. Ano ba ang ginagawa niya sa loob. Tinapon ko ang walang lamang bote sa basurahan at naglakad palapit sa pinto ng OR. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ang pintuan. Nagtaka pa ako dahil madilim ang buong paligid, hindi naman nawalan ng kuryente ang hospital.

BINABASA MO ANG
Cursed
Misteri / ThrillerThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...