Chapter 10 - Search

25 4 0
                                        

"Good Morning, Miss M. I would like to inform you that Andina already reported to work." Pagbibigay alam sa akin ng recepcionista. Tumango na lang ako dahil wala akong lakas na magsalita. Walang ganang naglakad ako paakyat sa aking opisina, doon ko na lang ipapahinga ang aking isipan.

Cozbi's action is still bothering me. May nagawa ba akong mali? O may nilabag nanaman ako na siyang ikinagalit niya? Kahit naman gano'n siya may pinagsamahan din kami. I already attached myself to an evil creatures. Mukhang mahihirapan akong ilayo ang sarili ko sa kanila.

Oh! Nevermind! Baka may pinagdadaanan lang ang nilalang na iyon. I kicked the door open, well— that's my hobby. I guessed Ryan was used to it, he didn't even flinched a little. Hindi tulad nang una na sa tuwing bubukas ang pinto ay tatalon siya sa gulat o kaya'y may naitatapong gamit.

Napangisi ako nang makita ang kabuuan ng aking opisina. Sa tingin ko ay may naglinis, ngunit napalis ang kasiyahang nararamdaman ko nang nakita ang full-length mirror na nakasabit sa mismong gilid ng aking mesa. Annoying! Iniwas ko ang tingin sa salamin bago ko pa man makita ang aking wangis. I really don't like seeing myself in the mirror.

"Ryan!" I screamed in rage. Narinig ko ang nagmamadaling yabag na papasok sa aking opisina. I leaned on the door as I wait for him to come.

"Y-yes, Miss?" Kinakabahang tanong niya sa akin. I placed my right palm in my hips and pointed the mirror using my left hand without looking at it. "What the hell is that thing?" Annoyance is visible in my voice. Tiningnan niya ang direksyong itinuro ko at napansin kong nangunot ang kanyang noo. Mukhang hindi siya ang naglagay.

"P-po? Hindi po ako ang naglagay jan. Wala po 'yan kanina, pasensya na po, hindi ko alam." Napayuko siya nang pinaningkitan ko siya ng mata. That's bullshit! Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana.

"Get out," I motioned him to leave the room. Tumakbo siya palabas at maingat na isinara ang pinto, para iwasang makalikha ng ingay.

"Sphynx, I know you're in there," kalmadong bulong ko. She appeared in front of me with a playful grin on her lips. She was holding the tip of her left wing as she look at me using her angelic face. So ironic, a devil with an angelic face.

"Why?" Inosenteng tanong niya. Gusto ko tuloy siyang sapakin. Tinuro ko ang salamin sa kanya, lumingon siya sa itinuro ko at nag-isip. Mukhang nag-iisip kung ano ang kanyang irarason.

"Paano napunta 'yan dito?" Mahinang tanong niya sa kanyang sarili. Pinaglalaruan niya ba ako? Siya lang naman ang nilalang na mahilig lagyan ng salamin ang paligid ko. She wants me to see my reflection, to see my beauty. I'm not beautiful, monsters aren't beautiful— they're horrendous.

"Throw it away! Don't ruin my day, please?" I asked her politely. She clicked her tongue while glaring at me. Lumapit siya sa salamin at pinagmasdan nang maigi. It looks like she was looking for something. I noticed that she's bothered by something. Tinuon ko ang pansin sa mga pipirmahan kong documento at inisa-isang usisain.

"The hell is this thing?" Mula sa mga papeles ay nabaling ko ang tingin ko sa kanya. She plucked one of her feathers and burn it down, the ashes fell in the mirror. Unti-unti ay napansin kong nagbabago ang kulay at anyo ng salamin. Patalikod na humakbang si Sphynx papunta sa akin, ilang sandali ay sumabog ang salamin. Buti na lang at mabilis na hinarang niya ang kanyang pakpak upang protektahan ang sarili naming dalawa.

We heard a weird sound. Marahan at maingat na ibinaba niya ang kanyang pakpak. Sumilip ako habang hinahanda ang aking sandata. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang isang itim na pusa. May nakarolyong papel na nakasabit sa leeg ng pusa. Ano nanaman kayang kalokohan ito?

Tinago ko ang aking sandata. Mukha namang mabait ang pusa. Marahang nilapitan ko ito para hindi magulat. Maingat na kinuha ko ang papel sa leeg niya at binasa.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon