Chapter 20 - Revealed

26 4 2
                                        

Siguro'y sapat na ang isang buwan kong pagliban sa aking trabaho. Bumalik ako sa opisina sapagkat marami ang naiwan kong trabaho. Natambakan na ako, ngunit wala naman akong dapat ipag-alala. Sobrang mapagkaktiwalaan si Ryan, halos lahat ng trabaho ko'y ginawa niya— maliban sa mga dapat kong pirmahan.

Sphynx doesn't know that I'm sneaking out of our house for this past few days. Minamatyagan ko kasi ang lalaking pumaslang kay Abella, sa tingin ko'y titigil muna ako dahil baka hinahanap niya ako. Tiyak akong malala ang lagay niya dahil sa mga atakeng ginawa ko.

I suddenly dropped my pen and massaged my temple. The searing pain inside my brain is making me lose myself. The vision is playing in my head, repeatedly, again and again.

Bloods splattered on the floor... A guy holding a knife... And a woman who's lifeless in the middle of the forest. It's the same man that I've seen, the one who killed Abella. Walang awa niyang pinagsasaksak ang kanyang biktima hanggang sa tuluyan itong mawalan ng buhay, ang mata ng babae ay nakatitig sa akin.

Naimulat ko ang aking mata nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking opisina. Pumasok si Ryan dala ang isang folder, I think it is my schedule for the whole week or either month. Magalang na ngumiti siya nang mapansing tinitingnan ko siya.

"Good morning, Miss. I am just going to remind you that later at three in the afternoon, you'll have a meeting with Mr. Sedeja." He smiled at me and showed the schedule. My assumptions are right, it's my schedule.

I frowned, I didn't remember having an appointment with him. "Last week po siya nagtanong kung available ka. Since wala ka naman pong trabaho, I agreed and gave him a schedule." Nakangiwing sagot niya nang mapansin ang paglalim ng gatla sa noo ko. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil alam kong ginagawa niya lang ang kanyang trabaho.

"Efficient," komento ko. Sumenyas akong iwan niya muna akong mapag-isa. Lumabas siya sa aking silid bitbit pa rin ang folder.

I leaned on the table, picked up the pen and twiddled it using my fingers. Pumasok sa isipan ko ang lalaking 'yon, ang lalaking pumaslang sa walang kalaban-laban na biktima. Paano ko ibibigay ang hustisya sa mga biktima kung ako mismo'y walang kahit na anong alam sa pagkakakilanlan ng salarin. Should I do a background check on him? But where do I start? Ngayon ko lang naisip na kabaliwan ang ginawa kong pagsugod sa lugar na iyon ng hindi nag-iisip ng plano.

But no one can stop me from avenging those people. Lahat ay gagawin ko, mahuli ko lang siya. Dead or alive. I'll make sure he will rot in those fiery pits of hell.

"I can sense the evilness around you." Napaayos ako nang upo dahil sa narinig kong tinig. Nagtagpo ang mata namin ni Dolion, nakatayo siya sa aking gilid at pinagmamasdan lang ako. Hindi ko sana siya makikilala dahil nag-iba ang kanyang anyo, ngunit nang makita ko ang nga mata niya'y agad ko siyang nakilala. Hindi na siya nakakubli sa katawan ng isang bata. He disguised himself as a middle-aged man, he's also wearing a formal attire. Do devils has a weird taste in fashion? I asked myself after seeing that he's wearing a flip flops.

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi mapigilang tanong ko. Ngumisi siya ng mala-demonyo habang hinahaplos ang kanyang bigote.

"Napag-isipan mo na ba ang aking alok sa iyo?" Tumalikod siya at lumapit sa isang halaman. Pinaglaruan niya ang isang dahon habang naghihintay sa aking tugon. Huwag lang siyang magkakamaling sirain ang mga tanim ni Ryan dahil baka siya ang mailagay ko sa paso at gawing palamuti sa aking opisina.

"Wala akong balak na paslangin si Cozbi, kaya hindi ko tinatanggap ang alok mo," May paninindigan kong sagot. Gulat siyang lumingon, nakakunot pa ang kanyang noo at nawala ang ngisi sa kanyang labi.

"Akala ko ba'y nais mong kumawala sa sumpa? Ngunit tila nagbago ang iyong pasya? Sa anong kadahilanan?" Pinasok niya sa kanyang bulsa ang magkabila niyang kamay. Nagsimula siyang maglakad sa aking harap.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon