"Then you won't have the chance to know the truth."
Ilang minuto na ang makalipas mula nang sambitin ni Devland ang katagang 'yon. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang kanyang boses sa aking utak.
Truth... What kind of truth do I need to know?
Batid kong may ibig sabihin ang binitawan niyang salita at iyon ang dapat kong alamin. Inalis ko ang lahat ng bumabagabag sa aking isipan habang naglalakad palapit sa aking work table. Dala ko ang iniwan niyang envelope. Binuksan ko 'yon at isa-isang pinagmasdan ang bawat litrato ng mga biktima ng tinaguriang Phantom Killer.
Nag-igting ang aking panga at naikuyom ko ang kaliwa kong palad dahil sa galit nang makita ang walang buhay na katawan ni Abella sa litrato. Hindi ko pa rin nahuhuli ang pumapatay sa kanya. Sa mga oras na ito ay masayang tinatamasa ng salarin ang kanyang kalayaan. Dapat siyang managot. Hindi maaaring hindi niya pagdusahan ang ginawa niyang kasalanan.
Ibinalik ko sa loob ng envelope ang mga litrato at kinuha ang aking pistol sa drawer ng aking work table. Kinuha ko rin ang holster at kinabit sa aking bewang bago kunin ang puting coat na nakasabit sa aking upuan. Isinuot ko iyon at naglakad palabas sa aking opisina.
Subali't nagtaka ako nang mapansin si Cessair sa labas ng aking opisina. Nakaupo siya sa desk ni Ryan at nakahalukipkip. Base sa kanyang ekspresyon, naiinip siya. Marahil ay kanina pa siya naghihintay.
"I'm glad you came out." Tumayo siya at naglakad papunta sa harapan ko. Nagulat pa ako nang haplusin niya ang aking noo.
"You're always frowning. Pakiramdam ko tuloy pasan mo ang daigdig," aniya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. He wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him. I can feel my cheeks heated up. This is the second time that we're this close, the first time is when I'm at his house.
"Let's go on a date," he announced. Nagsimula siyang maglakad habang nakapulupot pa rin sa bewang ko ang kanyang braso. Sinubukan ko siyang itulak ngunit hindi siya natinag, mas hinigit niya pa ako papalapit sa kanya. Kaya naman nang makalabas kami sa elevator ay halos lahat ng employado ko nakatingin sa amin. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka sa nakikita.
They used to know me as a woman who doesn't need a man, so I understand if they're shock to see me with a man who's this close to me.
"Hala, boyfriend pala 'yan ni Miss M?"
"Ang gwapo ni Sir Trion."
"Hindi sila bagay."
Iilan lang iyon sa mga naririnig ko. Naiinis kong nilingon ang employedong nagsabi na hindi kami bagay ni Cessair.
I can taste her bitterness. I didn't noticed that I was just standing while glaring at her.
"Don't mind them," Cessair said and kissed my temple gently. Parang may kakaibang enerhiya ang lumukob sa aking puso.
Nakalimutan ko tuloy ang pakay kong hanapin ang Phantom Killer.
Nagtungo kami ni Cessair sa paborito niyang Restaurant. Inalalayan niya ako habang naglalakad kaming dalawa papasok. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi.
Ito ang unang pagkakataon na dinala niya ako sa lugar na ganito. Kahit noon pa man ay hindi kami nagawi rito sapagkat si Abella ang lagi niyang kasama. Iniiwasan kong sumama sa tuwing may lakad sila sapagkat napupuno lamang ng paninibugho ang aking dibdib. Hindi ko kayang makitang masaya silang dalawa.
"Welcome to Commie Restaurant!" Masayang bati ng waiter sa amin bago i-abot ang menu book. Malugod kong tinanggap ang menu book at pumili ng makakain.
I choose Caesar salad, Creamy Mushroom soup, Chicken Cacciatore and Mousse chocolate cake.

BINABASA MO ANG
Cursed
Mistério / SuspenseThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...