Ilang linggo nang hindi nagpapakita si Cozbi sa akin, hindi rin siya sumusulpot. Ilang linggo na ring tahimik ang aking buhay. Walang gulo, walang kahit na anong nangyari. Hindi rin ako ginagambala ng aking pangitain.
But something is bothering me, hindi ko nga lang mapangalanan. Simula nang mabasa ko ang liham na galing sa pusa ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko'y laging may nakasunod at nakamasid sa bawat galaw ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako natatakot sa banta pero meron nagsasabi sa likod ng aking utak na mag-ingat ako.
Pinagmasdan ko si Cessair mula sa binoculars na hawak ko. Narito ako sa taas ng isang puno, tinitingnan siya. He didn't even bother to find me. Hindi niya ba talaga ako naaalala? Maaga pa akong nandito at pinagmamasdan siya dahil gusto kong malaman kung anong ginagawa niya sa kanyang buhay. Nagmumukha akong stalker nito.
Nagulat ako nang makarinig ng malakas na pagsabog. Hindi ko alam kung saan 'yon galing. Tumalon ako mula sa kinauupuan ko, basta ko na lang tinapon ang hawak na binoculars sa kung saan.
Tumakbo ako sa gitna nang kagubatan hanggang sa marating ko ang dulo. Nadatnan ko ang isang kotse na umuusok at nag-aapoy. Mabilis na sinuri ko ang sasakyan kung meron bang nangangailangan ng tulong.
Napansin ko ang isang babae na walang malay. Nakahiga siya sa kalsada at dumudugo ang noo. Mabilis ko siyang dinaluhan. Sinuri ko kung tumitibok pa ang kanyang pulso, buti na lang at buhay pa siya. I carried her, gosh! Ang bigat! Ano ba ang kinakain ng babaeng 'to at ganito siya kabigat, pakiramdam ko'y nagbubuhat ako ng dalawang tao.
Hindi ko siya kayang buhatin kaya naghanap ako ng pwedeng tumulong. Hindi ko alam na ganito kabait ang tadhana dahil napansin ko ang isang kotseng papalapit dito. Salamat at may dumating na tulong hindi ko na kailangang tumawag ng ambulance.
I waved my hand so the driver can see me. Tumigil siya sa aking harapan, gano'n na lang ang gulat ko nang mapansin kung sino ang nagmamaneho.
It's Devland. Hindi ko pinahalatang nagulat ako pagkakita sa kanya. I unconsciously fixed my hair and straighten out my wrinkled clothes.
"Do you need help?" May kalakasang tanong niya dahil sa lakas ng tugtog na nanggagaling sa kanyang sasakyan. Bahagya akong yumuko upang 'di na niya kailangang tumingala sa akin.
Itinuro ko ang babaeng nakahandusay sa daan. "I need to bring her to the hospital!" Dali-daling bumaba siya sa kanyang kotse at binuhat ang babae. Sumakay ako sa shotgun seat saka pinatay ang tugtog. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin dahil sa aking ginawa. I was about to tell him that I hate plangent noises coming out from the radio but I choose not to, I might offend him.
"Just don't ask, hurry before she die!" I shouted at him. Muntik na akong matawa nang mapatalon siya sa gulat at nataranta sa pagkilos. So adorable, I gulped because of my thought. How can I say that he's adorable? Am I attracted to him? Mahinang pinilig ko ang aking ulo, hindi ako magkakagusto sa ibang lalaki dahil alam ko sa sarili ko kung kanino ako nahuhumaling.
Pinasibad niya ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na hospital. He carried the girl to the ER, buti na lamang at minor injury lang ang natamo niya sa aksidente. Kaya siguro hindi ko siya nakita sa aking pangitain sapagkat hindi naman siya nag-aagaw buhay.
"Thanks for helping," sambit ko habang naglalakad kaming dalawa palabas. Tinawagan ko na rin ang guardian ng babae kaya may magbabantay sa kanya.
"No worries." Tumigil siya at tinitigan ang aking mukha. Good thing I'm wearing a contact lenses right now, he won't recognize me.
"You look familiar, but I'm certain that she's not you," Sabi niya. Pinagmasdan niya ang aking mata. Hindi ako umiwas ng tingin para ipakitang hindi ako apektado sa kanyang mga titig.

BINABASA MO ANG
Cursed
Misterio / SuspensoThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...