Chapter 31

19 1 0
                                    

HINARANG ni Dolion ang kanyang sarili upang protektahan ako sa malaking bolang apoy na galing sa kamay ng aking anak. Napaupo si Dolion sa sahig at nanginginig na hinawakan ang kanyang nalapnos na balat.

"What is happening to you?!" Malakas at galit kong sigaw sa aking anak ngunit nakayuko lang siya. Nag-aapoy pa rin ang kanyang palad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hindi siya isang normal na tao.

Marahang naglakad ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. Inangat ko ang mukha niya upang magtagpo ang aming paningin. There was no emotion in his eyes, it's soulless. Bigla akong nanghina dahil sa pangyayaring ito.

Ito ba ang kapalit sa pagpaslang ko kay Morana? Tinapik ko ang mukha niya ngunit hindi pa rin siya nagigising, ikinulong siya ng sarili niyang kapangyarihan.

"Please, son. I don't want to lose you. Hindi pwede mawala ka sa akin dahil ikaw lamang ang natitira kong kadugo. You're not an evil, you're not like me! Come back to your senses!" I tried to convince him but he remain that way.

Umiiling ako habang sinasabunutan ang aking sarili. I can't accept it! Hindi maaaring maging isa sa amin ang aking anak. Malalagay sa panganib ang kanyang buhay. I should keep him away from me. Kahit labag sa aking kalooban.

"Dolion, we must hide him to the sanctum. Walang dapat na makaalam na kabilang siya sa ating uri." My whole body is trembling because of the fear that he might totally lose himself.

Nilapitan ako ni Dolion at siya ang umalalay sa aking anak. He touched my son's shoulder to make him disappear.

Nanghihinang napaupo sa sahig habang hawak ang aking dibdib. I need to think of a way to make my son normal again.

"Gagamutin ko muna ang aking sarili bago sundan ang anak ninyo sa sanctum. Batid kong nais mong ako ang mangalaga sa 'yong único hijo habang naghahanap ka ng paraan upang mabalik siya sa pagiging normal na tao." Napatingin ako kay Dolion at wala sa sariling tumango.

Umalis siya sa silid at naiwan akong nag-iisa. Marahang tumayo ako at naglakad patungo sa kanyang kama at pansamantalang umupo. Ngunit 'di pa man ako tuluyang nakakalapit at napansin ko ang malaking portrait ng isang dalaga na nakapatong sa side table. Sa tabi ng portrait ay nandoon ang kanyang cellphone. Nagpupuyos na kinuha ko ang portrait at ilang beses na hinampas sa dingding.

"Bakit ba hindi mo na lang tantanan ang anak ko?!" malakas kong sigaw at nagpalabas ng kaunting apoy sa aking palad upang sunugin ang hawak ko. Ngunit hindi pa man lumalapat ang apoy ay humangin ng malakas kasabay ng pagkawala ng hawak kong portrait.

"Even in that state you still treasure her? I won't let it happen, you belong to someone else, not to someone who's cursed."

NAIBIGAY KO na kay Rye ang kahon na binigay ni Athanasios. Maingat niyang dinala ang kahon patungo sa tagong silid, ako nama'y tahimik na nakasunod sa kanyang likuran. Binuksan niya ang pinto at mabilis na pumasok, ganoon din ang aking ginawa.

Tumayo siya sa tabi ni Morana at ibinaling ang tingin sa akin. Marahan niyang tinango ang kanyang ulo kaya tipid akong ngumiti. Umatras ako ng dalawang hakbang at ginamit ang aking kakayahan upang ibalot ang buong lugar sa ilalim ng aking kapangyarihan. Mas makabubuting walang makaalam ng aming gagawin.

Matapos kong ipasailalim ang buong paligid sa aking kapangyarihan ay sinimulan na namin ang ritwal.

He carefully placed the box on the side table and picked up the golden knife in the corner of the bed. He cut Morana's chest open and gave me a signal.

"Be ready," he said and nod his head. I used my power to protect the both of us. Kinuha niya ang nanigas na puso ni Morana at pinasok sa loob ng kanyang katawan. Mabilis niyang binuksan ang kahon at lumabas ang asul na usok.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon