Chapter 30

31 1 0
                                    

I WAS rooted in my place upon seeing both Cessair and Cozbi reviving Morana. The earsplitting noise coming from a machine makes me terrified.

No, this can't be true. Morana is not dead! I hurriedly walk behind them and slightly pushed them sideways.

"Ako na ang bahala kay Morana," I firmly said. Umiling si Cozbi at hinila ang aking braso upang makalapit ako sa kanya. Cessair is performing a CPR on her and I can see how tense he is.

"Save her, the poison is in her heart. Alisin mo ang lason sa puso ni Morana, Sphynx." Alam kong matapang si Cozbi pero ngayong nakatitig ako sa mga mata niya, para kong nakikita ang isang batang naliligaw at walang alam kung saan tutungo. She was lost because Morana's life is at risk.

I nodded and focused my attention on Morana. Tumigil na sa pagdugo ang sugat niya sa dibdib ngunit kitang-kita ko kung gaano kalalim ang kanyang saksak. Hinawakan ko ang dibdib niya pero pinigilan ako ni Cessair.

"Anong balak mong gawin?" Marahang tanong niya sa akin ngunit ang kanyang mata ay nakatutok kay Morana. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at tinapik ang kanyang braso.

"I'm going to remove the poison in her heart. Huwag mo akong guluhin kung gusto mong maisalba natin ang buhay ng 'yong kaibigan." He remained silent and just stared at Morana. He and Cozbi are both nervous while I'm doing my job.

Kinuha ko ang scalpel na nasa sahig at binuhusan ng alcohol bago hiwain ang dibdib ni Morana. Nang makagawa ng sapat na butas ay pinasok ko ang aking daliri upang maabot ang kanyang puso. I touched her heart with my fingers but it's not beating anymore, her heart hardened but it's fragile. Sinubukan kong tunawin ang kapangyarihan nakabalot sa puso niya ngunit hindi sapat ang taglay kong kapangyarihan. The invisible shield that was wrapped around her heart was too powerful.

Binaling ko ang tingin kay Cozbi at umiling. Naramdaman ko kung paano sumiklab ang galit sa puso niya, tumabi ako at hinayaan siyang lapitan si Morana. Sinubukan niya ring alisin ang nakaharang sa puso ni Morana ngunit kahit siya ay hindi kaya ang kapangyarihan nakabalot dito.

The three of us are desperate to save her. Lahat na ng paraan ay ginawa na namin maisalba lang ang buhay niya ngunit mas nangingibabaw sa buong paligid ang maingay na tunog ng makina.

She's dead but I still believe that the fate is more powerful than the curse. Just this once, let the fate decide for what will going to happen. Just save her from this situation.

Nanlulumong napaupo si Cessair sa sahig, hawak niya ang kanyang ulo at nakatulala habang nakatitig kay Morana. Batid kong hindi na niya alam ang gagawin pero nakikita ko pa rin ang determinasyon niyang iligtas si Morana kahit hindi pa tuluyang maayos ang kanyang pakiramdam.

Si Cozbi naman ay nakatayo lang sa tabi ni Morana, hawak niya ang kamay ng huli at walang balak na pakawalan ito.

Ako naman ay nakatitig sa kanilang tatlo habang nag-iisip ng iba pang paraan para lang mailigtas siya.

Biglang humangin ng malakas sa loob ng silid na halos lahat ng gamit ay nagsiliparan. Naitakip ko ang aking braso sa mata ko upang hindi ako mapuwing, gano'n din ang ginawa ni Cozbi at ni Cessair na ngayo'y nakatayo at naglalakad palapit sa akin.

The strong wind suddenly stopped from whirling in this room and a stranger who's hiding behind the red cloak showed up.

His energy is overflowing and I can feel his power from where I am standing. An evil who is superior than us but I don't know who among them. I'm referring to the seven rulers of underworld, but their Identity is hidden. No one knows who they are.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong ni Cozbi sa nilalang na bagong dating.

"We are taking her," he replied with a calm voice and attempted to touch her but Cozbi growled at the stranger.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon