Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga salitang binitawan ng matandang lalaki.
Sinabi niya sa'king makikita ko na ang lalaking umiibig sa akin. Sino sa kanilang dalawa ni Devland at Cessair ang lalaking tinutukoy niya? Pumasok sa isipan ko si Devland, sinabi niya sa aking liligawan niya ako ngunit hindi ako sigurado sa nararamdaman niya. There's a part of me saying that he have hidden agenda, like his intentions to me aren't pure.
May isang parte naman sa utak kong umaasa na baka si Cessair ang tinutukoy ng matanda. Ngunit batid kong si Abella ang nilalaman ng kanyang puso. It's impossible for him to fall for someone like me.
Pinilig ko ang aking ulo upang mawala ang mga tumatakbo sa aking isipan. Hindi ako dapat mag-aksaya ng panahon sa pag-iisip kung sino ang lalaking umiibig sa akin. Mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang paghuli sa taong pumatay kay Abella at sa iba pang kababaihan. Hindi ko pwedeng hayaan na malaya ang nilalang na iyon, nararapat siyang managot sa kasalanang ginawa niya. Dahil kapag hinayaan ko siya'y batid kong mas dadami ang kanyang bibiktimahin.
Binuksan ko ang aking drawer at kinuha ang aking pistol sa ilalim ng mga dokumento. Tinapat ko sa ilaw ang baril kong hawak at pinagmasdan. Kinasa ko 'yon at mabilis na tinutok sa pinto.
Naibaba ko ang pistol na hawak ko nang makita ko ang ama ni Cessair sa may pinto. Nakatayo ito at seryosong nakatitig sa akin, hindi ko alam kung nagulat ba siya o natakot dahil sa ginawa ko. Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa swivel chair at nilapitan si Mr. Trion.
"Mr. Trion, you didn't inform me that you're going to pay for a visit." Bungad ko sa kanya at sumenyas sa kanyang umupo. Pinindot ko ang intercom at sinabihan si Ryan na maghanda ng inumin. Naglakad ako palapit sa couch at umupo sa kanyang harapan. I crossed my legs and placed my palms on my knee.
He smiled timidly and stared at my face for a second, it's like he was studying my facial expression. "I'm not here for a business, Hija. Narito ako upang tanungin ka tungkol sa relasyon niyo ng aking anak na si Cessair."
Pakiramdam ko'y na-blangko ang aking utak dahil sa kanyang tanong. Nakatitig lang siya sa akin at naghihintay na sagutin ko ang kanyang katanungan. I smiled confidently and chuckled to ease the tension that was building in me.
"We're just friends, Mr. Trion," I answered briefly and straightened my back as I lean on the couch.
"Just friends..." He mumbled and nod his head, trying to convince himself by the statement that I just said.
"But the glint of your eyes, whenever you look at him says that it's more than just a friend. So tell me, Morana. Do you like my son?" Tanong niya sa akin gamit ang seryosong tinig.
Iniwasan kong magtagpo ang aming mga mata sapagkat natatakot akong malaman niyang may pagtingin ako kay Cessair, ngunit sa tingin ko'y batid na niya, nahihiya akong umamin sa ama ni Cessair. No one knows that I like him for a long time.
"It's fine with me if you like my son. I mean, who wouldn't!" May pagmamayabang niyang saad habang natatawa. Ngumiti ako at tumingin sa pinto. This is freaking awkward, what's taking Ryan so long? Gano'n ba kabigat ang inuming ipinahanda ko sa kanya?
"Bueno, ako'y aalis na." Sabay kaming napatayong dalawa. Inayos niya ang suot niyang coat at nagsimulang maglakad.
"Hindi niyo ba hihintayin ang inuming pinahanda ko?" Magalang kong tanong. He opened his mouth to say something but it's interrupted when someone entered my office.
"Cozbi," mahinang sambit ko sa kanyang pangalan. Nakasuot siya ng denim jeans at pinaresan ng puting shirt. Nakasuot siya ng eyeglasses at meron pang hawak na sumbrerong may tatak na Gucci. Buti naman at kahit papaano'y natuto na siya pumorma ng maayos.

BINABASA MO ANG
Cursed
Misterio / SuspensoThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...