Chapter 13

18 4 0
                                    

Pinagmamasdan ko ang wangis ni Morana mula sa isang luma at mahiwagang salamin. Hindi pa rin naaalis ang lason sa kanyang katawan. Halos hindi na tumitibok ang kanyang puso ngunit patuloy siyang lumalaban.

That's right, labanan mo ang kamatayan. Huwag mong hayaan na kunin ka nang tuluyan.

Gustong-gusto ko siyang tulungan pero hindi ito ang tamang oras. May isang nilalang na nagmamatyag sa kilos ko. Sa oras na gumawa ako ng hakbang tiyak akong mas malalagay sa kapahamakan ang buhay ni Morana. And I won't be able to save her.

Tinago ko ang salamin nang maramdaman ang isang pamilyar na presensya. Narito nanaman siya sa aking silid. Ang nilalang na puno't-dulo ng lahat.

Mabilis na kinuha ko ang libro sa ilalim ng aking mesa. Tinapat ko ang libro sa aking mukha at nagkukunwaring nagbabasa. Marahas na bumukas ang pinto ng aking opisina.

May nakakalokong ngisi sa kanyang labi. "Mukhang wala kang ginagawa upang iligtas si Morana mula sa kamatayan," ani niya.

I secretly grinned. "Bakit ko naman ililigtas ang taong gustong mamatay?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya ngunit agad siyang ngumiti upang itago ang nararamdaman.

Tsk! Smile is the only way to conceal what you really feel. Kahit kauri ko'y iyon ang ginagawa.

"Talagang hindi ka nagbabago. Kahit ang taong iniibig mo ay ginagamit mo para makuha ang iyong nais." Ipinakita ko sa kanya ang nakakalokong ngising nasa aking mukha.

"Love can't stop me to get what I want. Alam mo 'yan, mas nanaisin kong lumakas ang aking taglay na kapangyarihan kesa mahibang sa tinatawag mong pagmamahal."

"I will kill her," may diing sambit niya. I just nodded and shrugged my shoulders.

"Just go ahead, kill her! I don't mind," balewalang sagot ko sa kanya. He just smirked and vanished from my sight.

Kinuyom ko ang aking palad habang nakatitig sa kawalan. Bago mo siya masaktan, dadaan ka muna sa taas.

I can manipulate everyone, I can play this game very well.

Malakas na sinipa ko ang librong nakakalat sa harapan aking harapan. Mahirap intindihan ang utak ng nilalang na iyon, hindi niya ito malamangan. Hindi rin siya makagawa ng hakbang upang paslangin ito dahil iisa ang aming batas.

We shouldn't kill our own kind! Isang batas na gustong-gusto kong baliin mawala lang siya sa landas ko. Isa siyang malaking hadlang upang makuha ko ang nais ko, ang kapangyarihan niya.

"Ano ang balita? Niligtas niya ba ang babaeng 'yon?" Tanong ng isang nilalang na isa sa aking pinagkakatiwalaan. Isa rin siyang makapangyarihan na sa aming uri pero mas mababa ang rango sa nilalang na nagbabantay kay Morana.

Naiinis na umiling ako dahilan upang lumiyab ang mga libro sa aming paligid. Nagpupuyos ako sa galit dahil pakiramdam ko'y pinaglalaruan niya ako.

"Batid kong alam niya na minamatyagan natin siya kaya hindi siya gumagawa ng paraan na iligtas ang babaeng iniibig niya. Kailangan nating gumawa ng alternatibong paraan upang maalis sa landas natin si Morana. Siya ang humahadlang sa ating mga plano." Umiigting ang panga niya sa pagpipigil ng galit. Pansin ko rin ang unti-unting paglitaw ng kanyang sungay.

Bago pa man ako sumagot ay umalis na siya sa harapan ko. Malakas na isinara niya ang pintuan. Huminga ako ng malalim upang maalis ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan.

Ano ba talaga ang pinaplano niya?

Galit na ibinaba ko ang tawag mula sa aking kliyente. Bigla niyang kinansela ang lahat ng napag-usapan namin. Malaki ang mawawala sa aking kompanya kapag ito ang mangyayari. Malaki na ang perang ipinalabas ko maisagawa lang nang maayos ang takbo ng negosyo.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon