Chapter 16 - Fire

21 3 0
                                    

I am just staring at him, waiting for him to say something but he remained unfazed. His eyes are voided with any emotions, I know he can feel my stares but still... he ignored me, he diverted his attention to the concoction that was placed on our table.

"Hon? You okey?" Bulong ni Devland sa'king tenga. Palihim na tinulak ko siya palayo. Nagsisimula na 'kong mainis sa kanya. He keeps on calling me "Hon". Ngunit imbes na lumayo ay inakbayan niya ako at nang magtagpo ang aming paningin ay kumindat siya sa akin.

"Pwede ba," nagpipigil na sabi ko dahil sa iritasyong nararamdaman ko. "Stop calling me Hon. Nakakainis ka na!" Gigil na saad ko. Gustong-gusto ko siyang sapakin lalo na't mas lumaki ang kanyang pagkaka-ngiti.

"Ok... Baby," he teased me and blew a kiss.

I gave him a bland smile before standing up. If I stay here any longer I might kill him because of annoyance.

Nagdadabog na pumasok ako sa loob ng Comfort Room upang ayusin ang sarili ko. My brows furrowed upon seeing my face in the mirror.

Fuck, mirror! I really hate it! Natutukso akong hampasin ang salamin para mabasag pero pinigilan ko ang sarili ko. Pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa toilet. Nagpahalumbaba akong nakatitig sa pinto habang nag-iisip nang paraan kung paano ko matatakasan si Devland. Hindi ko na kayang tiisin ang pagiging malambing niya na may halong kalandian.

Naasiwa ako! Hindi ako sanay! Ito ang unang pagkakataon na may taong nagpakita ng interes sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. It's heartwarming that someone was treating me nicely but I'm having a second thoughts about his pure intentions.

"Baby?" Speaking of the devil. Ano kaya ang ginagawa niya sa Comfort Room ng mga babae? Nagtatakang tanong ko sa aking isipan.

I remained silent, I know he's going to leave if he didn't find me. But I'm wrong, he stayed, literally outside the cubicle where I'm hiding myself. Kung minamalas ka nga naman. Alam kong nakaharap siya sa pinto dahil nakikita ko ang dulo ng kanyang sapatos.

"I know you're in there, come out, baby," He commanded in a soft voice and knocked twice.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Pinindot ko ang flush button upang isipin niyang ginamit ko ang toilet. Marahang binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang nakangisi niyang mukha. Agad na inakbayan niya ako at giniya palabas ng Comfort Room. Gusto kong lagyan ng distansya ang aming pagitan pero hindi ko magawa dahil sa kamay niyang nakapatong sa aking balikat.

Tahimik kaming bumalik sa mesang nakalaan para sa'min. Inalalayan niya akong maupo, muling napansin ko ang pagtingin ni Cessair sa'king mukha. May nakakalokong ngiti sa kanyang labi—na ngayon ko lamang nakita. I don't know what's running on his mind at this moment but I can see the amusement in his eyes.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Jabez kay Devland. Ngumisi naman ang huli bago muling ibalik pagkaka-akbay sa akin. "Sa Comfort Room," aniya at natawang bahagya. Napangisi naman si Jabez at malisyosong binigyan ako nang sulyap.

Madudumi ang utak! Tsk! Umiwas ako ng tingin kay Jabez, itinuon ko ang pansin sa mga taong pumupunta sa gitna nang dancefloor kasama ang kanilang kapareha.

Nagsimulang pumailanlang ang malamyos na tugtog, napangiti ako ngunit pagharap ko muli sa aking mga kasama ay magkasabay na nilahad ni Devland at Cessair ang kanilang mga palad sa akin. Nagkatinginan silang dalawa, kapwa nangungusap ang mga mata. I can sense the tension between the two of them, I look at Cessair's hand and to Devland's hand. Pabalik-balik na tinitingnan ko ang kamay nilang dalawa sa loog nang ilang minuto, nag-iisip ako kung sino ang papayagan kong makasayaw ako sa gabing ito.

"I don't dance," masungit kong saad dahilan upang maibaba nila ang kanilang kamay. I think I made a good decision. I won't choose between them.

"I know you can dance," Cessair stated. Hinawakan niya ang kamay ko, hinila niya ako sa gitna ng mga nagsasayawan. He placed my hands on his shoulder and pulled me closer to him. Tumama ang mainit niyang hininga sa aking ilong dahil magkalapit ang aming mukha. Isang galaw niya lang tiyak akong magdadampi ang aming mga labi. My body stiffened because of our distance but it feels good. I was nice to dance with him under the stars and the moonlight, it's very enchanting.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon