"Congratulations! You're alive!" May kalakasan at masayang bungad ni Cozbi nang mapansin niyang nagmulat ako ng mata. Ngumiti siya na puno ng sarkasmo kaya muntik ko na maitirik ang aking mata dahil sa inis. Itinukod ko ang aking siko at akmang uupo sana pero mabilis na pinigilan ako ni Sphynx, maingat na itinulak niya ako pabalik sa paghiga.
"Ang lalim ng mga natamo mong saksak," mahinang sabi niya sa'kin. Agad kong tiningnan ang aking dibdib, ngayon ko lang napansin na wala akong suot na damit. Napapalibutan ng puting tela ang sugat kong may bakas pa ng dugo at ang telang 'yon ang nagsisilbing takip upang hindi tuluyang malantad ang aking dibdib.
Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari. Kung paano ako saksakin ni Cessair na parang wala kaming pinagsamahan. "Bakit hindi niya ako maalala?" Mahinang tanong ko sa aking sarili, panandaliang nilingon ako ni Cozbi. Nagkibit balikat siya at ibinalik ang atensyon sa paglilinis ng kanyang sungay—binabalewala ang aking tanong.
"Answer me," kalmadong utos ko subali't biglang naglaho si Cozbi, tiyak kong iniiwasan niya ang aking katanungan. Wala sa sariling napatingin ako kay Sphynx na nasa aking tabi. Nanlaki ang mata niya at napansin ko ang bigla niyang pagkataranta.
"Ahh... Wala rin akong alam kung bakit hindi ka makilala ng kaibigan mo," May kabilisang sagot ni Sphynx bago tumakbo palabas ng aking silid. Naiinis na sinipa ko ang mga unan na nasa aking paanan. Pinilit kong tumayo habang iniinda ang pagkirot ng aking sugat. Bakit ba nila iniiwasan ang aking tanong? Nais ko lamang malaman kung ano ang maaaring rason kung bakit hindi ako maalala ng aking Cessair.
"Walanghiya ka, Cessair! Parang 'di tayo magkaibigan. Kinalimutan mo na nga ako, sinaksak mo pa ako." Pinalis ko ang luhang kumawala sa aking mata habang marahang naglalakad. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Nang gabing mangyari ang insidente, akala ko ay handa na akong talikuran ang lahat. Pati si Cessair, akala ko ay makakaya kong iwan ang nakagisnan kong buhay. Ngunit nagkamali ako, hindi ko pala kaya. Hindi ko pala layang iwanan ang lahat ng gano'n kadali.
Marahang naglakad ako patungo sa loob ng walk-in closet. Kinuha ko ang isang romper na kulay puti. I tied my hair in a messy bun, then I wore a white sneakers. Naglagay ako ng pulang lipstick para hindi halata ang pamumutla ng aking mukha. Inalis ko ang aking contact lenses at isinuot ang isang shade na may tatak na Gucci.
I'm going to see him.
Lumabas ako sa aking silid matapos kong magbihis ngunit nakasalubong ko si Sphynx na naglalakad papunta sa'king kwarto. May dala siyang tray na may pagkain at isang bote— na sa tingin ko'y isang gamot. Nang mapansin niya ako ay tumigil siya. Lumalim ang gatla sa kanyang noo habang sinusuri ang aking suot.
"Saan ka pupunta?" May kalakip na inis ang kanyang boses.
"None of your business!" Nilampasan ko siya pero napako ako sa aking kinatatayuan. "Sphynx, stop using your ability on me. Kailangan kong makita si Cessair."
Subali't hindi niya ako pinakinggan. Bumaon ang paa ko sa semento kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Sphynx," nagbabantang sambit ko pero patuloy lang siya sa kanyang ginagawa.
"Hindi pa magaling ang 'yong sugat. Hindi kita pihihintulutang umalis. Mas mabuting bumalik ka na lang sa iyong silid," Aniya sa mahinahong paraan. Wala akong mabakas na galit o inis sa kanyang tinig ngunit batid kong sa oras na siya'y suwayin ko'y sapilitan niya akong ikukulong sa aking silid hanggang sa tuluyong maghilom ang aking mga sugat. Subali't kailangan kong makaharap si Cessair, upang masagot ang bumabagabag sa aking isipan.
"I need to see him!" I frustratedly said between my breath.
She tilted her head while staring at my chest and pointed me. "I won't let you leave, go back to your room."

BINABASA MO ANG
Cursed
Tajemnica / ThrillerThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...