Isang babae ang palihim na nagngingitngit sa isang tabi habang pinagmasdan ang kaibigan niyang bumibili ng mga gamit sa loob ng isang store sa loob ng mall.
Napupuno nang galit ang kanyang dibdib at utak. Ang paninibughong nararamdaman ay mas lalong tumindi habang patulot na dumarami ang binibili ng kanyang kaibigan.
Walang kamalay-malay ang kaibigan niyang siya'y nilalamon ng inggit.
Upang mawala ang nararamdaman, nagpasya siyang paslangin ang kaibigan. Dadalhin niya ito sa kanyang penthouse at lalasunin. Palalabasin niyang aksidente ang mangyayari.
Napangisi siya saka niyakap ang braso ng kaibigan. Tinulungan niya pumili ang kaibigang babae na mamili ng mamahaling damit, sapatos at mga palamuti. Siya'y nagbubunyi sa kanyang isipan.
Pinag-iisipan niya nang maigi ang kanyang plano. Nangangati na ang kanyang kamay na paslangin ang kasama upang kunin ang lahat ng pag-aari nito.
Her friend will die tonight...and she will satisfy her rapaciousness and jealousy.
Naimulat ko ang aking mga mata sa nakita kong pangitain. Mas lalo yatang lumakas ang taglay kong kakayahan. Mabilis akong bumangon at tumalon paalis sa aking kama saka humangos sa loob ng banyo upang maghilamos. Tumakbo ako palapit sa closet at hinablot ang puting sheath dress, nagsuot na lang ako ng flip-flops. Alam kong walang sense itong suot ko ngunit ako'y nagmamadali.
May buhay akong ililigtas at hindi importante ang itsura ko.
Ginamit ko ang aking Bugati Veyron at mabilis na pinaharurot patungo sa mall kung saan ko nakita ang biktima sa aking pangitain.
Na-violate ko pa ang traffic rules sa sobrang pagmamadali kaya hinabol ako ng pulis.
Just how lucky I am! I sarcastically laugh before stepping on the gas pedal. C'mon, skunks! Catch me.
I reached the speed of 250 mph (miles per hour). Nag-oovertake ako sa mga sasakyan nasa aking harap. Tiningnan ko ang side mirror ng kotse kung nakasunod pa ba ang mga pulis pero wala na sila. Mukhang hindi nila kaya ang bilis ng aking pagpapatakbo.
"Phew! That was close!" I exclaimed and exhaled sharply. Binabagalan ko ang pagmamaneho at inilabas ang aking kamay sa bintana ng kotse upang damhin ang hangin na tumatama sa aking balat.
Nagmaneho pa ako ng ilang sandali hanggang sa makita ko ang mall kung saan ko nakita ang dalawa. Bumaba ako kotse at tinakbo ang pagitan ng parking lot at entrance ng mall.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang aking pakay. Pumasok ako sa isang sikat na Boutique, ginalugad ko ang bawat sulok ng store para mahanap sila. Mukhang hindi ko sila naabutan.
I bit my lower lip and ran outside the boutique. I scanned the whole area and gladly, I found the victim sitting on the bench. Seems like she's waiting for someone.
Nilapitan ko siya upang maupo sa kanyang tabi. Habang papalapit ako sa pwesto niya'y napansin kong nakatitig siya sa akin, hanggang sa tumabi ako sa kanya.
"Miss?" Kahit ako ay nagulat dahil sa itinawag niya. Empleyado ko pala siya. Ngumiti ako sa kanya at kunwa'y binaling ang tingin sa pinamili niya.
"Mukhang marami ang iyong biniling gamit," I stated while scanning the paper bags on the floor. Binalik ko ang tingin sa kanyang mukha. Nakangiti siya ng mahinhin, ni hindi niya manlang alintana ang panganib na naghihintay sa kanya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mas pinili kong magmatyag sa buong paligid.
Kapwa kaming hindi nagsasalita. Wala naman kasi akong sasabihin at batid kong naaasiwa siya. Dumating ang kanyang kaibigan makalipas ang ilang minuto. Sinuri ko ang kabuuan niya at kitang-kita ko ang isang maitim na aurang pumapalibot sa kanya.

BINABASA MO ANG
Cursed
Misterio / SuspensoThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...