"Marami ang dugong nawala sa kanya. Mukhang kailangan natin siyang dalhin sa hospital. Baka mamatay siya kapag hindi naagapan," suhestiyon ni Luville. Masuyong pinupunasan niya ang mukha ng babaeng estranghera, kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Para bang matagal na niyang kilala ang babae kaya gano'n na lang ang kanyang nararamdaman.
Nakatayo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang kabuuan ng babaeng dinala ko rito sa aking silid. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala sapagkat meron siyang puwang sa aking puso. Nang makita ko ang dami nang natamo niyang tama ay sobrang nag-alala ako. Hindi ako mapakali, nataranta ako. I felt like I'm going to lose her if I didn't do something, good thing I have a medical background.
Ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi dapat ako mahumaling sa isang estranghera, because I believe that she'll be coming back. I'm just going to wait for that day.
"Hindi ba natin siya dadalhin sa hospital? Namumutla na siya. Baka bawian siya ng buhay!" Nabakasan ko ng takot ang boses ni Luville. Napansin kong pinapakiramdaman niya ang pulso ng babae.
"Hindi, mamaya lang ay magigising na siyang muli."
"Ngunit—" itinaas ko ang aking palad upang patigilin siya sa pagsasalita. I won't let something bad to happen to her.
"Kunin mo ang ilang dokumento sa aking opisina, dalhin mo rito. Ako na ang magbabantay sa babae," Utos ko na agad niyang sinunod. Inayos niya ang mga nagkalat na gamit bago naglakad paalis.
Nang makalabas siya sa aking silid ay nagtungo ako sa tabi ng babae, nanatili akong nakatayo habang nakayuko at pinagmamasdan siya. Tinitigan ko ang mukha niya ng maigi, pamilyar talaga sa akin ang kanyang wangis. Parang nagkita na kami. Ngunit hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang kanyang pisngi. "Have we meet before? Why did you save me?" Alam ko naman na hindi siya sasagot sa mga katangungan ko. I heaved a sigh. Open your eyes, I begged in the back of my mind. I stared at her for another minute before straightening up. I put my hands inside my pocket and just watched her sleeping peacefully.
Suddenly, I remember the day I first met her. Tinawag niya akong pighati, iisang tao lang ang tumatawag ng pangalang iyon sa akin. Imposible rin na siya 'yon dahil matagal na siyang patay. Ilang buwan na ang nakakalipas, pero may isang parte ng puso kong umaasa na sana ay bumalik siya. Dahil alam ko mismo sa sarili kong hindi ko pa rin natatanggap ang kanyang biglaang pagkamatay. If I didn't forced her to come with me on that day, maybe she's still here with me.
Naalala ko ang ginawa kong pagsaksak sa kanya. Sa kabila ng ginawa ko ay nagawa niya pa rin akong iligtas. Kung hindi niya hinarang ang mga bala, tiyak akong pinaglalamayan na ako ngayon.
Mabilis akong lumayo nang marinig ko ang mahina niyang pag-ungol. Nagkakamalay na siya. I feel agitated but I remained standing and just waited for her to open her eyes.
"Cessair..." Mahina niyang sambit sa pangalan ko. Kahit sa iyong panaginip ay hinahanap mo ako. Napangiti naman ako, hindi ko alam pero may lumukob na saya sa aking puso.
Gusto kong hawakan ang kamay niya para iparamdam na narito lang ako. Subali't hindi ko ginawa, hinayaan ko siyang magmalay muli. Hinahapong napabalikwas siya sa higaan at napansin kong natataranta siya. Hawak niya ang kanyang dibdib habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko, she's teary eyed and shaking because of anxiousness.
"Narito ako," pagkuha ko sa kanyang pansin. Binalingan niya ako, gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang kanyang mata. She has a mismatched eye color.
The other one is red and the other one is blue. So fascinating to watch, it hypnotizes me, even her eyes looks familiar. I feel like I'm home.
Bumalik ang aking katinuan nang lumambitin siya sa leeg ko. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya, tulad nang una. Parang ang tagal naming hindi nagkita sa inaakto niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at marahang inalis sa pagkakayakap sa akin. I'm comfortable with physical touch but I can't let her stay close to me.

BINABASA MO ANG
Cursed
Mystery / ThrillerThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...