I was holding my jaw while walking out of the Commie Restaurant. Shit! I didn't know that Cessair Trion could punch me so hard just because I kissed Morana—the girl that I like. I felt like my jawbone has been broken into two.
Gusto niya bang masira ang partnership namin? Napailing ako saka malakas na sinipa ang gulong ng aking sasakyan. Nang mailabas ang inis na nararamdaman ko ay sumandal ako sa pag-aari kong Honda Civic. Pinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng suot kong itim na slacks habang kinakagat ang aking dila at muling binalikan ang naging eksena kanina.
Wala akong pakialam kung sinuntok ako ni Trion sa harap nang maraming tao pero hindi ko matanggap na sa harapan pa ni Morana. I don't want Morana to think that I'm weak.
"Hijo?" I stood up straight after hearing his voice, Mr. Jabez Trion, the father of Cessair Trion. Marahan ko siyang nilingon at nang makitang nanginginig ang kamay niya sa paghawak ng baston ay mabilis ko siyang nilapitan upang tulungan ngunit itinaas niya ang kanyang palad para pigilan ako. Umiling siya saka ako tiningnan upang suriin ang aking panga.
"Is your face okey? Pasensya ka na sa aking anak. He is aggressive if he feel threatened or scared to lose something, especially someone." He smiled apologetically and tapped my shoulder twice.
Mahina akong natawa at hinaplos ang aking panga. "Kasalanan ko naman," mariing sambit ko. Tumango lang siya at itinuro ang aking kotse gamit ang kanyang baston. "I think it's better if we talk our business in your office," he said casually and lead the way. Nasa likod niya lang ako at tahimik na nakasunod. Tumigil siya sa harap ng kotse at hinintay akong buksan ang pinto. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa saka binuksan ang pinto ng kotse at inalalayan siya sa pagpasok at maupo sa backseat. Sinarado ko ang pinto bago pumunta sa driver's seat.
Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at mabagal na nagmaneho patungo sa aking kompanya. Muli ko siyang pinagbuksan ng pinto at inalalayan hanggang sa makarating kami sa aking opisina. Mabilis kong inutusan ang aking sekretarya na maghanda ng inumin para sa amin ni Mr. Trion.
"So, let's start," he announced and motioned me to speak. I opened my attache case to get the documents and proposals then handed him the copy.
"I already signed our contract and I want to get your approval for our project. I am planning to build a new beach resort in a private island in Cebu, in this resort we will be using the funds and I think we need sponsors from our board of directors. I will be conducting a meeting next week for further details," I explained everything to him and he was just listening to me, paminsan-minsan ay nagtatanong siya sa mga maliliit na detalye pero lahat naman ay inaprobahan niya.
Tinuloy ko ang pagsasalita ngunit natigilan ako dahil nilapag niya ang dokumento sa center table saka ako tinitigan. "Go on, continue. I'm just going to sign. I like your plans for our business partnership."
Dahil sa sinabi niya ay ginanahan ako sa pagsasalaysay ng aking mga plano. Buti na lamang at napapayag ko siya sa proyektong nais kong gawin.
Matapos kong sabihin ang mga nais kong mangyari ay binigay niya sa akin ang pinirmahang kontrata. Pumirma rin ako bago iyon ilagay sa attache case at ibigay sa aking sekretarya.
"Kailangan ko nang umalis at may aasikasuhin pa ako. It's nice working with you." Yumuko ako sa harapan niya habang nakikipag-kamay, natigilan naman ako nang mapansing nakatitig siya sa litrato ng aking Ama na nakadisplay sa kabinet.
"Julious Sedeja," he whispered. Hindi ko alam na kilala niya pala ang aking ama.
"Magkakilala kayo?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at hinawakan ang aking balikat. "Nagkakilala kami sa isang business trip sa Senegal. Nabanggit niya rin sa akin na meron siyang anak na nag-aaral sa Estados Unidos. Akala ko ay nagkataon lang na magkapareho ang inyong apilyedo, hindi ko alam na ikaw pala ang kanyang único hijo."

BINABASA MO ANG
Cursed
Mystery / ThrillerThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...