Chapter 19 - Justus

24 5 5
                                        

Nagsuot ako ng itim na high-waisted pants at pinaresan ng puting sleeveless cropped top. Nagsuot din ako ng leather jacket bago isuot ang aking itim na ankle boots. Itinali ko ang mahaba kong buhok saka isinukbit ang baril sa aking holster na nasa aking bewang.

I will avenge my friend Abella. That's the only thing that was running inside my mind since the day that she died.

But first... I'm going to find him. Hindi ko man alam kung saan magsisimula ngunit isinusumpa kong mahahanap ko siya sa kahit na anong paraan. He must pay for what he did, I'm going to kill him the same exact way that he killed Abella.

Binuksan ko ang salamin na bintana sa aking silid at tumalon pababa. Like the old times... I smirked and opened my white Toyota Highlander, I inserted the key, and stepped on the accelerator. Mabilis akong nagmaneho patungo sa lugar na nakita ko sa aking pangitain.

I did a lot of research and now... Here I am. Driving in the middle of the road, searching for the criminal. I'm looking for a perfect place to hide my car. I pulled over to the side of the dark road and turned off the engines of my car.

Madilim sa parteng 'to dahil sa nagtataasang mga puno sa buong paligid, malapit kasi sa kagubatan. Walang dumadaan na mga sasakyan sapagkat liblib itong lugar. Ni-lock ko ang kotse bago pabagsak na isinarado. Kinuha ko ang baril sa holster saka ikinasa. Maswerte ako dahil sanay ako sa ganitong gawain kaya madali na para sa'kin 'to. Sanay na ang aking mata sa dilim kaya hindi mahirap sa akin ang pasukin ang gubat kahit walang dalang kahit na anong ilaw na magbibigay liwanag sa aking daanan.

Tumigil ako nang marating ko ang gitna ng gubat, mula sa kinatatayuan ko'y napapansin ko ang isang bodegang nakatayo sa gitna ng gubat. Hindi masyadong maliwanag ang buong paligid, sakto lang para hindi maakit ang ibang nilalang na maliligaw sa lugar na ito.

"Tsk! Mautak kang nilalang," Naiinis na sabi ko sa'king utak habang nagpapatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang likurang bahagi ng bodega.

Marahang binuksan ko ang pinto sa likod at pumuslit sa loob. Walang kahit na sino ang narito. Wala rin akong naririnig na kaluskos at kakaibang tunog. Marahil wala rito ang aking pakay, sa tingin ko nama'y hindi siya ang tipo ng tao na mananatili rito tuwing gabi.

Hinalughog ko ang buong sulok ng bodega. Hanggang sa maramdaman kong may tumutok na patalim sa'king batok. I smirked as I felt the culprit's presence in my back, I'm glad that he showed himself voluntarily. I don't need to waste energy to search for him.

"Who are you?" Tanong niya sa akin, malamig ang kanyang tinig na nagbibigay takot sa kung sinumang makakarinig, maliban sa akin. I know exactly what kind of person he is, he's no difference from the evil spirits that I've encountered.

Nakangising tinabig ko ang bagay sa aking batok at sinapak ang nilalang sa likuran ko ngunit nakailag siya. Gumanti siya nang suntok, nakaiwas ako kaya hindi natamaan ang aking mukha. Nagpalitan kami nang malalakas na suntok hanggang sa kapwa kami napagod. Subali't walang sino sa amin ang nais sumuko. Tahimik kaming naglaban hanggang sa kinuha niya ang isang nakasabit na samurai sa pader. Iwinasiwas niya ang sandata kaya nadaplisan ang aking braso. Napatingin ako sa aking braso at tinitigan ang dugong tumutulo mula sa sugat na aking natamo. Sa inis ay binaril ko ang kanyang paa nang dalawang beses.

I gritted my teeth and pointed the gun at him. Napaluhod siya habang namimilipit sa sakit. Sinamantala ko ang pagkakataong wala sa akin ang atensyon niya. Pasimple akong nag-backflip at inalis ang pulang mask na suot niya.

Gumulong siya sa madilim na parte ng bodega, dahilan upang hindi ko masilayan ang wangis niya. Mautak! Pinaputukan ko siya ng baril pero lahat ay naiwasan niya. Nanatili siyang nakaluhod sa madilim na lugar at nag-iisip kung ano ang gagawing atake sa akin.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon