I massaged my temple after seeing the visions that flashed in my mind. Ano ba ang nangyayari sa mundong 'to, bakit ko ba kailangang iligtas ang mga taong walang disiplina sa kanilang sarili? They have their own mind so they should think about their welfare.
Mariin kong hinawakan ang gilid ng mesa, nahihilo pa ako dahil sa aking pangitain. Parang ginagalugad ang bawat parte ng aking utak. Saktong kakabukas ng pinto at pumasok si Ryan kaya nadatnan niya ako sa sitwasyong ito. Mabilis na tumakbo siya sa aking tabi upang alalayan ako.
"Miss! Nahihilo po ba kayo?" Tanong niya sa akin. Gusto ko siyang batukan dahil halata naman sa aking kilos. Hinawakan niya ang aking braso saka inalalayan akong maupo sa swivel chair. Tumakbo siya palabas sa opisina at pagbalik niya ay may dala na siyang high ball glass na puno ng tubig. Nilapag niya ang baso sa harapan ko nilapit ng kaunti palapit sa akin.
"Inumin mo, Miss. Ito ang gamot para mawala ang hilo niyo," hinawakan niya ang aking palad saka nilagay ang isang tabletas. Nawiwirduhang tinitigan ko siya pero ininom ko naman ang binigay niyang gamot at ang tubig. Inubos ko ang laman ng baso bago ilapag muli sa mesa.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Natatarantang tanong niya habang tinititigan ang aking mukha.
"Gano'n ba kabilis umepekto ang gamot?" Pabalang kong balik-tanong. Nakamot niya ang kanyang ulo dahil sa hiya. Hinablot ko ang kulay itim kong pouch at tumayo. Hindi ko pinansin ang mga tanong ni Ryan sa akin.
Dapat kong iligtas ang babaeng nakita ko. Dahil ayokong may mawala nanamang buhay sa aking kapabayaan. They're now my responsibility so I should help them.
I get inside the elevator and snapped my hand to disappear, I appeared inside my Bugatti Chiron car. Pinaandar ko ang sasakyan at nagmaneho patungo sa isang restaurant. Habang nagmamaneho ay paulit-ulit na naglalaro sa aking utak ang aking pangitain.
Masayang kumakain ang isang matabang babae. Maraming nakahain sa harapan niya, iba't-ibang putahe at ang lahat niluto niya. Halos hindi na ito makahinga dahil puno ang kanyang bibig, ang kanan niyang kamay ay may may hawak na tatlong barbeque habang ang kaliwa niyang kamay ay abala sa pagdampot ng inihaw na karne. May isang kahon ng pizza sa kanang bahagi ng mesa, sa gitna ang isang plato ng inihaw na karne at isda. Sa tabi nito ay merong buttered shrimp at buttered crabs, meron din barbeque tapos sushis at isang plato ng lechon.
Bigla siyang nabulunan at dahil naubos ang tubig sa kanyang tabi ay hindi agad siya naka-inom, hindi rin siya nakasigaw ng tulong dahil sa kinakain niya. Natumba sa sahig at nawalan ng buhay.
I stepped on the gas pedal to accelerate the speed of my Bugatti Chiron. Ilang sandali ay nakarating ako sa restaurant.
Maganda ang pwesto nila. Malapit sa universidad kaya tiyak akong marami ang estudyanteng nagpupunta rito upang kumain o kaya naman ay mag-aral. This is actually a nice place but I don't like the spirit that's haunting the restaurant, the spirit of gluttony.
Dumeretso ako sa pagpasok at agad kong napansin ang kalinisan ng paligid. Walang kahit na anong kalat, maganda rin ang ambiance rito. Organisado ang mga mesa, upuan pati na rin ang mga gamit sa tabi at ang mga indoor plants. Maganda ang lugar na ito lalo na kung may gaganaping okasyon.
Pumanhik ako sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. Mukhang ito ang para sa mga VIP guests. Kapansin-pansin ang mga mamahaling vase na pinaglalagyan ng tanim. Mukhang ginastusan ng malaki base na rin sa kabuuang disenyo ng lugar.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit upang bumukas. Mabilis akong pumasok sa loob. Agad kong nakita ang chandelier na gawa sa ginto at dyamante, hindi ko nga lang alam kung tunay. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking pakay.

BINABASA MO ANG
Cursed
Mystère / ThrillerThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...