Chapter 14

17 4 0
                                    

I suddenly opened my eyes after gaining my consciousness. Nanatili lang akong nakatingin sa kisame dahil hindi pa tuluyang nag-si-sink in sa aking utak na buhay pa ako. Hindi ako makapaniwalang natakasan ko nanaman ang kamatayan. Talaga ngang isinumpa na mabuhay ako habangbuhay. It sucks! I really wanted to leave this cruel world, pero bakit parang may pumipigil sa akin? Akala ko ay buo na ang pasya kong lisanin ang mundo ngunit ngayon ay nagdadalawang-isip na ako. I want to live longer in this unhappy and chaotic world we're living in.

"Gising ka na," bungad ni Sphynx nang mapansin na bumalik na ang aking malay. Inalalayan niya akong maupo at sumandal sa headboard ng aking kama. Inabot niya ang isang basong tubig na agad kong tinanggap at tinungga ang laman. Nakatitig lang siya sa akin na parang nagtataka kung bakit buhay pa ako. Iniwas ko ang aking tingin at hinaplos ang baso.

Bahagya akong nagulat ng bigla na lang niyang itinaas ang suot kong shirt saka sinilip ang natamo kong saksak, napaigik pa ako dahil hinawakan niya ang balat ko.

"Naghilom na ang iyong sugat. Marahil ay tumalab na ang bisa ng gamot na aking nilagay sa 'yong dugo, panlaban sa lason." Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata ni Sphynx habang nakatitig sa aking tiyan.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Salamat sa pagligtas sa'kin," sinserong sabi ko. Makahulugan ang isinukli niyang ngiti kahit nakikita kong nagtataka siya.

Dalawang araw akong nanatili sa aking silid upang manumbalik ang aking lakas. Kailangan ko pang magtrabaho, buti't napaki-usapan ko si Sphynx. Ngunit sinamahan niya ako para matiyak ang aking kaligtasan. Mas mainam na iyon upang maiwasan ang insidenteng nangyari. Mas pinaigting si Sphynx ang proteksyon sa bahay, walang makakapasok basta-basta upang pagtangkaan ang buhay ko o ni Sphynx. Naglagay rin si Sphynx ng mga patibong sa buong paligid upang agad naming mahuli ang salarin.

Binigyan niya rin ako ng isang kwintas na mula sa kanyang kaibigan—may sapantaha ako kung sino ang kaibigan na tinutukoy niya ngunit ang sabi niya'y hindi ang nilalang na 'yon ang nagbigay—Ito raw ang magsisilbing proteksyon ko laban sa nagtataka sa aking buhay.

Natawa na lamang ako sa aking isipan. Kahit wala akong proteksyon hindi naman ako mamamatay. Iniiwasan ako ng kamatayan, marahil ay hindi pa ito ang takdang oras upang lisanin ko ang marahas na mundong kinalakihan ko.

Bumaba ako sakay ang aking kotse, si Sphynx ang nagmaneho kaya mabilis lang ang byahe. Parang isang kisap-mata lang. Mabuti't hindi kami nasangkot sa aksidente.

Sabay kaming pumasok sa aking kompanya at agad kong napansing natulala ang mga tauhan ko. Nagkatinginan ang aking mga empleyado dahil sa aking suot. Batid kong nagtataka sila dahil ngayon lang ako nagsuot ng ibang kulay. I always wear white clothes but now I'm wearing a teal blue colored, off-shoulder romper dress paired with a black five inches stilettos.

"The devil changed!" Bulalas ng isa. Narinig ko ang mahina nilang halakhakan kaya nakangiting hinarap ko siya. I showed them my emotionless eyes and show them my authority.

"You!" May kalakasan kong sigaw. Halos madapa na siya sa pagmamadaling makalapit sa akin. Napansin ko ang pamumutla ng kanyang mukha habang nakayuko sa aking harapan. I also noticed her trembling hands.

"You have guts to badmouth behind me but you can't even look directly in my eyes. I thought you're brave enough to dare insult me," I said in icy cold voice to scare her a bit.

"M-m-miss," she is stammering in fear. I bite my tongue to prevent myself from laughing. That's it! Fear me!

"Consider this as a warning. Go back to work," bulong ko. Hindi ko na pinakinggan ang kanyang pasasalamat.

"Kung ako ang sa pwesto mo pinutulan ko na siya ng dila," komento ni Sphynx habang masamang nakatingin sa aking nga tauhan. My lips twitched into a smirk after reaching for her back to tap it lightly.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon