Chapter 17

22 5 2
                                    

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong paligid kaya mas lalong nagkagulo ang mga bisita. Ang iba ay nahihindik sa kanilang nasasaksihan. Hindi nila alam ang gagawin matakasan lang ang nakabantang panganib sa kanilang buhay, walang kahit na sino ang nag-aakalang magiging ganito ang kahihinatnan nang masayang pagdiriwang ng okasyong kanilang dinaluhan.

Habang nagkakagulo ang lahat ng bisita, tinatangka naman ni Cessair na lapitan si Morana ngunit lumalayo ito. Sa takot na baka magkatotoo ang kanyang pangitain. Hindi niya maaatim na mamatay ang matalik na kaibigan nang dahil sa kanya. Tinitiis niya ang nangangalit na apoy na siyang nakabalot sa katawan niya masiguro lang ang kaligtasan ng kanyang mga kaharap.

"Tulungan niyo siya!" Malakas na sigaw ni Devland. Ngunit walang nakinig, takot ang mga itong lapitan ang babaeng nilalamon nang nangangalit na apoy. Walang nagtangkang tulungan siya maliban kay Cessair at Devland.

Hanggang sa lumitaw ang isang kakaibang nilalang. Mas lalong natakot ang mga panauhin sa nakikita, isang babae na merong pakpak at sungay, merong kaliskis ang mga balat na siyang nagsisilbing proteksyon laban sa apoy. Nagbabaga ang mga mata nito habang naglalakad sa gitna ng nagbabagang apoy. Hindi nito alintana ang panganib na dulot nito.

Kapansin-pansin ang pag-usal niya nang kung anong salamangka, dahilan upang matupok ang apoy sa buong paligid. Natira na lang ang itim na usok at mga abong nililipad ng hangin. Binuhat niya ang nanghihinang si Morana. Nalapnos ang balat ng dalaga ngunit imbes na sakit at takot ang makikita sa mata niya ay pag-aalala. Binigyan niya nang makahulugang sulyap ang lalaking nakatayo sa isang tabi. Si Cessair, nakatulala lang ito habang pinagmasdan si Morana. Nag-aalinlangan kung lalapitan ba niya o hindi.

Biglang naglaho ang nilalang kasama si Morana. Namatay ang mga ilaw, humangin nang malakas sa paligid kasabay nang pagkawala nang alaala ng mga panauhin.

"Anong nangyari?"

"Bakit biglang namatay ang ilaw?"

"Anong ginagawa ko rito?"

Ilan lamang iyan sa tanong ng karamihan. Nakatulala pa rin si Cessair. Hanggang sa ngayon ay naglalaro pa rin sa isipan niya ang nangyari, gayundin si Devland. Hindi niya inaasahan ang pagsasakripisyo ng babaeng kinahuhumalingan sa lalaking katabi niya. Napailing na lamang siya bago lisanin ang lugar. Tuluyan nang nasira ang kanyang gabi dahil sa insidente.

Habang sa isang tabi, siya'y nagmamatyag. Pinagmasdan ang lahat at nag-iisip ng paraan kung paano tuluyang mapapaslang ang babaeng hadlang sa kanyang plano. Ngayon ay batid niya na kung sino ang nilalang na maaaring tumulong kay Morana sa gitna ng kapahamakan, ang buong akala niya ay "ito" ang magliligtas ngunit nagkamali siya, mukhang hindi gano'n kalalim ang nararamdaman nito para sa dalaga.

Nagmamadaling dinala ko si Morana sa kanyang silid upang gamutin ang nalapnos niyang balat. Wala na siyang malay, kitang-kita ang paghihirap sa mukha niya. Humangin nang malakas sa loob ng silid at lumitaw si Cozbi na nanghihina.

Umupo siya sa tabi ni Morana habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga, kinuyom niya ang kanyang palad at bumilis ang paghinga niya.

She's enraged... and it's lethal.

Natatakot ako sa maaari niyang gawin dahil sa galit. Muli siyang naglaho kaya naiwan kami ni Morana.

Hinanda ko ang sarili ko sa pagbibigay lunas sa kanya. Itinaas ko ng bahagya ang aking mga kamay habang tinititigan siya.

Ibinuhos ko ang buong konsentrayon sa nakahimlay na Morana. Ilang sandali ay lumabas ang asul na usok mula sa aking palad. Ang usok ay umikot sa ere bago pumasok sa nakaawang niyang labi.

Mabisa ang lunas na ibinibigay ko ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang sitwasyon. Nanginig ang kanyang katawan, subali't panandalian lamang. Lumitaw ang isang gintong tali na nagpoprotekta sa kanya.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon