Chapter 25 - Augur

27 2 0
                                        

Hinanda ko ang aking sarili sa anumang atakeng balak gawin ng estrangherong lalaki sa akin. Ang mga espirito ay nakalutang sa hangin, sa kanyang likuran—naghahanda upang sundin ang kanyang utos. Ginalaw niya ang kanyang tungkod, tinapat niya ang kanyang kamay at inikot habang nagpapalabas ng kaunting kapangyarihan. May lumabas na usok at napansin kong dumarami ang bilang ng mga espiritong narito sa lumang bahay. Unti-unti rin na lumalakas ang kanilang pwersa.

Kinokontrol niya ang mga ito. Hindi ko ipinahalata ang aking pagkagulat... at takot sa aking nasasaksihan. Nanatili akong nakatayo habang mahigpit na hinahawakan ang dulo ng aking damit. Hindi ko makapa ang aking sandata, bigla itong nawala na parang bula, ang tanging natira ay ang holster. I gulped twice and think for a way to fight him without using any weapon, I'm anxious for myself. I'm not into hand to hand combat.

Bahagya akong napatalon sa gulat dahil sa kanyang paghalakhak. Mas lalo pang dumilim ang paligid at halos wala na akong makita. I adjusted my sight to the darkness surrounding me.

"I can smell your fear, Morana. I can't believe that you're afraid of your death," He said with full of confidence.

My breathing hitched as he pointed out the thing that scares me, death. Gormless, Morana!

Tumigil siya sa paghalakhak at hindi agad ako nakagalaw nang mabilis na umatake ang mga espirito sa akin. They are the bad spirits lurking around in this neighborhood. Waiting for the demon to summon them. Waiting for someone to be killed as they capture the spirits. My mind went blank for a second, I don't know what to do, I don't have a gun or a sword to defend myself from the danger around me.

Subali't bago pa man nila ako masaktan ay may lumitaw na pulang pananggala sa aking harapan. Ito ang nagsilbing proteksyon ko sa anumang atake.

Napansin kong natigilan ang estranghero at rumehistro ang gulat sa kanyang mga mata. Mukhang hindi niya inaasahang may magliligtas sa akin. Napuno ng galit ang kanyang mata, sa tingin ko'y nakilala niya ang nilalang na nagpoprotekta sa akin.

"I want her dead, you can't stop me!" sambit niyang umabot sa aking pandinig. May sumulpot na lalaki sa aking tabi. Agad ko siyang nakilala, siya ang lalaking laging nakasubaybay sa bawat galaw ko, ang laging nagbabantay sa akin at ang nagliligtas sa tuwing nalalagay sa kapahamakan ang aking buhay.

"Tigilan mo ang babaeng ito," sabi ng lalaking nasa tabi ko, pakiramdam ko'y magyeyelo ang paligid dahil sa lamig ng kanyang boses.

"At sino ka para utusan ako? Sinasabi ko sa iyong magiging hadlang lang siya sa pagkamit ko ng aking nais. Hindi mo makukuha ang hinahangad mong kapangyarihan dahil sa babaeng 'yan. Isa siyang balakid!" Naging agresibo ang mga espirito dahil sa galit ng estrangherong nasa aming harapan. Galit ang nag-ko-kontrol sa kanila.

"Gawin niyo ang inuutos ko," utos niya bago lumutang sa hangin.

Muling sumugod sa amin ang nga espirito at naging mabilis ang galaw ng lalaking nasa tabi ko. Inilabas niya ang kanyang latigo, katulad ng ginagamit ni Cozbi ngunit iba ang kulay— pulang latigo at may mga nakasulat na letrang griyego—hinampas niya ang isang espiritong umatake sa gilid ko. Naglaban sila ng mga espirito habang hinaharang ang mga atake na para sa akin.

Nagkatinginan kami ng estranghero at napansin ko ang tuwa sa mata niya sa tuwing matatamaan ang lalaking nagliligtas sa akin.

Sumibol ang galit sa aking puso dahil sa aking nasasaksihan. Hindi ko hahayaang may masaktan ng dahil sa akin. I'm not a damsel in distress, I'm a freaking fighter! I suddenly remembered one of my ability.

Kinuha ko ang isang vase sa gilid at binasag. I snapped my hands and visualize the pistol in my hand. After a few seconds, it appeared in my hand. Kinuha ko ang basag na piraso ng vase at nakangising humarap sa estrangherong minamanipula ang espirito. Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mata habang naghihintay sa susunod kong gagawin.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon