"Isang bangkay ang nagtagpuan sa isang bakanteng lote na pag-aari nang—"
Malakas kong ibinato ang suot kong itim na Stiletto sa flatscreen TV kaya iyon nahulog sa sahig at nabasag. Gumawa pa iyon ng malakas na tunog. Umagang-umaga ay tungkol sa patayan ang nababalitaan ko, for some reason. I wanted to hear a good news, I wanted to have peace.
Biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at humahangos na pumasok si Ryan na hinahapo. His eyes landed on the broken television. Mukhang nagulantang siya sa narinig kaya napasugod dito sa loob ng aking opisina. Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ako ngunit ikinibit ko lang ang aking balikat bilang sagot.
"Bakit po nabasag, Miss?" There's a hint of confusion in his voice while he was staring at me, still wondering.
"Baka itinulak ng multo. I don't know, you can ask the television why it's broken," Pabalang kong sagot at pinaglaruan ang ballpen na nakapatong sa aking mesa, samantalang siya ay naglakad palapit sa TV at kinuha ang aking Stilleto na nasira dahil sa lakas ng aking pagkakabato. Kita ko pa ang panghihinayang sa kanyang mga mata habang sinusuri ang sirang TV. I almost rolled my eyes at him.
Magsasalita sana siya ngunit mabilis akong sumenyas na manahimik siya. "Shh! Don't say a word... Find someone to clean the mess," I commanded and motioned Ryan to get out of my office to look for a janitor.
Mabilis siyang lumabas upang maghanap ng maglilinis. Nag-isang linya ang aking kilay nang mapansin ko siyang bitbit pa rin ang aking Stiletto. I cringed, what a weird guy.
Yumuko ako saka hinubad ang pares ng pag-aari kong Stiletto at itinapon sa basurahang nasa tabi ng mesa ko. Wala na rin naman 'yong kwenta dahil sira ang isa. I walk barefooted around my office, not minding the debris on the floor. Ramdam ko ang pagtusok ng ilang basag na salamin sa paa ko ngunit hindi ko inalintana. Dumeretso ako sa isang secret room. I made sure that no one's watching before pressing the secret button on the wall. Tumaas ang pader at bumungad sa paningin ko ang aking silid. Nagmamadaling pumapasok ako, agad namang sumara ang pader na nasa aking likuran nang ako'y nasa loob na. May sensor ang buong silid na ito kaya otomatikong nagsasara kapag nakapasok na ako o kahit na sinumang magtangka.
"What the hell are you doing here?" Gulat kong tanong kay Cozbi na sinusukat ang ilan sa pag-aari kong heels. Hindi niya pinansin ang aking tanong bagkus siya'y ngumiti ng matamis habang naglalakad suot ang kulay pulang Wedge shoes. Matagal pa bago siya magsalita dahil ang buong atensyon niya ay sa mga sapatos kong naka-display sa loob ng kwarto.
"Have you seen the news?" She asked in a low voice, her eyes are still fixed at the shoes. I shrugged my shoulder and stared at her while crossing my arms.
"What news? Corruption? Forest fire? Pollution or Crime?" Sarkastikong balik-tanong ko sa kanya. Tumigil siya at sumimangot habang nakatingin sa akin. Hinubad niya ang Wedge shoes makalipas ng ilang segundo saka ibinalik sa pinaglalagyan nito.
"Uhh... Obviously, I'm asking about the crime. Maliligtas mo ba ang ilang hayop at tanim na nasunog sa forest fire? Masusolusyunan mo ba ang polusyon? May maitutulong ka ba upang mawala ang Corruption? Hindi ba wala? So yeah, I'm asking about crime." She gave me a knowingly look and crossed her arms in front of her chest.
I rolled my eyes and reached for my newly bough ankle heels in the upper part of the shoe rack. "What crime?" I asked her, pretending not to know anything about what she was asking a while ago.
"Iyong tungkol sa bangkay na natagpuan sa isang lote. I know you heard the news." Cozbi sat in the couch and watched me intensely. Waiting for my response.
"Yeah, so?" Walang pakialam na sagot ko. Ano naman kung may bangkay na natagpuan? Hindi ko sila responsibilidad. Hindi rin naman ako ang pumatay.
"Find the culprit," seryosong sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin. I gawked at her and scoffed then I plastered an evil grin in my lips. "Why would I?" I asked in a singsong tone.

BINABASA MO ANG
Cursed
Misterio / SuspensoThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...