Nakasandal ako sa isang puno ng santol habang hinihithit ang isang stick ng Marlboro midnight menthol. Cozbi said that someone needs help in this area. Ngunit wala naman akong nakitang kakaiba, baka pinaglalaruan lang ako ni Cozbi bilang ganti sa pang-iinis ko sa kanya.
Napansin ko siyang nakatayo sa isang madilim na parte ng pasilyo, binabantayan ako. Akala niya siguro ay tatakas ako.
Tsk! I irritatedly puffed the smoke out of my mouth, making circles. Pagkatapos ay itinapon ko ang sigarilyo sa harapan ko at nagpasyang mag-ikot sa paligid upang magmasid.
"Niloloko mo yata ako, Cozbi," bulong ko, alam kong naririnig niya ako dahil isa iyon sa kanyang kakayahan. May tumamang bato sa aking paa kaya tiningnan ko siya ng masama.
Ngayon ko lang napansin na iba na ang kanyang anyo. She disguised herself as human. She's wearing a yellow tube and a green pants. Umiilaw pa ang suot niyang high-cut na sapatos na kulay kahel. Hindi makapaniwalang napailing ako dahil sa suot niya.
Tarantadong demonyo! Walang sense of fashion.
Bigla akong natigilan sa paglalakad nang makarinig ng malakas na putok ng baril. "Oh sh*t!" Malakas kong sigaw at tumakbo papunta sa isang abandonadong building.
"I need a gun!" Malakas na sigaw ko, ilang sandali ay may lumitaw na pistol sa aking kamay. Nagugustuhan ko na ang kakayahang ipinagkaloob ni Cozbi sa akin. Ikinasa ko ang baril habang nagtatago sa likod ng mayabong na damuhan.
Sunud-sunod na putok ang naririnig ko mula sa loob. Nasundan 'yon nang malalakas na sigawan mula sa grupo ng kababaihan. Sigaw na puno ng takot at pighati. "The screams are making me alive. It fuels my desire!" Napatingin ako sa aking gilid ng may magsalita. Napansin ko ang pagpula ng mata ni Cozbi. Hindi ko namalayang sumulpot siya sa aking tabi.
I didn't know that she loves misery and death. Well, it's already given. She's an evil spirit, what do you expect?
Nakangiwing tiningnan ko siya at ang kanyang damit. "Nakakasilaw 'yang suot mo. Para kang disco light!" Panlalait ko sa suot niya bago tumakbo sa loob.
I hide behind the post and I shoot the two man hiding behind the pile of boxes. Now they're unconscious. Ang bala ng pistol ay maihahalintulad sa tranquilizer, hindi nakakapatay at makakatulog lang ang matatamaan.
"Help! Help! Tulong!" Paulit-ulit at malakas na sigaw ng isang babae. My forehead creased, her voice is familiar. Tahimik na tumakbo ako sa likod ng isang poste. Sinilip ko ang mga biktima upang alamin ang kalagayan nila.
Sumisigaw pa rin sila dahil sa takot. Napapalibutan sila ng mga lalaking nakasuot ng itim na damit at may hawak na rifle.
"Tulongg! Ahhhh!" Tinakpan ko ang aking tenga. Sobrang sakit ng boses niya. Hindi ba siya pwedeng tumahimik para mag-isip ng paraan na makatakas?
"Tumahimik ka! Kahit anong gawin mong pagsigaw ay walang darating na tulong!" Iritadong sigaw ng isang lalaki.
Napako ako sa aking pinagtataguan. Ang boses na 'yon, pamilyar 'yon sa akin. Wala sa sariling naglakad ako palapit sa kanila. Hinanap ko ang may-ari ng boses. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga 'yon.
"Tulongggg!" Mas nilakasan pa ng babae ang pagsigaw kaya hinampas ng isang lalaki ang hawak niyang rifle sa batok nito. Dahilan para mawalan siya ng malay.
Buti naman at nabawasan ang ingay. Para akong nakahinga ng maluwag.
"Cessair?" Tanong ko sa aking sarili nang makita ang kabuuan ng lalaki. Siya nga! Siya ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko, siya rin ang humampas ng rifle.
"Ilibing niyo na lang 'yan. Wala tayong mapapala sa kanila. Siguraduhin niyong hindi sila makikita, dahil malalagot tayo sa nakakataas!" Maotoridad niyang utos bago umalis.

BINABASA MO ANG
Cursed
Gizem / GerilimThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...