"Gusto kong hanapin niyo si Morana, ang babaeng nagligtas sa akin. Nais ko siyang makitang muli upang mapasalamatan ko sa ginawa niya," Mahinahong utos ni Devland sa kanyang mga tauhan na nakatayo sa kanyang harapan at nakikinig sa kanyang ipinag-uutos. Nakatutok ang kanyang mga mata sa harap ng TV screen at pinapanuod ang footage sa CCTV, kung saan hinalikan siya ng babaeng may nakakabighaning kulay ng mga mata.
"Masusunod po," magalang na tugon ng kanyang mga utusan. Panandaliang yumuko ang kausap niya upang magbigay galang sa kanya bago umayos ng tayo at lumabas sa kanyang opisina.
Nang lumabas ang kanyang mga tauhan ay napangiti siya ng matamis. Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang mukha ng babaeng 'yon. Kakaiba ang taglay nitong kagandahan, walang tulak-kabigin. And her eyes, it's mesmerizing. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng taong magkaiba ang kulay ng mata o mas tamang sabihin, taong may heterochromia. It is fascinating, hindi ko lang alam kung bakit nagmadali siyang umalis nang banggitin ko ang tungkol sa mata niya. Maybe I made her feel uncomfortable.
Hindi sinasadyang mapatingin ako sa litrato ng aking ama na nakapatong sa maliit na bookshelf. Masayang nakangiti si Papa sa litrato at buhay na buhay. Mariin kong ikinuyom ang aking kaliwang palad na nakapatong sa aking hita habang umiigting ang panga ko sa galit. Mananagot sa akin ang taong pumatay sa kanya.
Gaganti ako sa paraang alam ko.
I called someone. "I need someone," kalmadong sabi ko bago patayin ang tawag. Alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin. Wala sa sariling napangisi ako. I needed a release. I need to relax my mind and think of how to catch the woman who killed my father.
I hissed at Sphynx and glared at her. Idiniin niya kasi ang kanyang kamay sa aking sugat. She just ignored me and continued to put a pressure on my wounds. Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko magawa dahil ginamitan niya ako ng kapangyarihan. Hindi ko magalaw ang buo kong katawan.
"Malapit na," she said in an icy cold voice. I scoffed and rolled my eyeballs, 360 degrees. I really hate how she controlled my body.
"Bakit mo hinalikan ang lalaki 'yon?" Tukoy niya kay Devland—ang lalaking nalason sa isang piging at iniligtas ko. "Pwede mo namang ipa-inom na lang ang antidote. Gano'n ba ang tipo mo lalaki?" Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o ako ang nag-iisip ng nang-aasar siya, ngunit wala namang bahid nang malisya ang kanyang tanong. Talagang nagtataka lang siya kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon gayong batid niya kung gaano ko iwasan ang ibang tao.
"I... Uh... Exactly don't know why the hell I did that thing." I shuttered while trying to explain myself. "Parang may magnet ang kanyang bibig, tapos ang labi ko ay isang uri ng metal kaya hindi ko namalayang biglang nagkadikit." Gusto kong mawala na lang bigla dahil walang saysay ang aking pinagsasasabi.
"What a dumb explanation," Aniya bago tumayo. Inalis niya ang suot na gloves saka itinapon sa basurahang nasa gilid ng aking silid.
"Ano ba dapat? Sabihin ko na attracted ako kay Devland kaya ko ginawa 'yon?" Naiiritang tanong ko at pakiramdam ko'y umakyat ang lahat ng aking dugo sa pisngi ko dahil sa inis. Her eyes narrowed in amusement then she laughed hysterically while holding her stomach.
Just wow! Ngayon lang ako nakakita nang masayang demonyo. Hindi mapigilang naitaas ko ang aking kilay at humalukipkip.
"Saya mo naman," sarkastikong saad ko habang pinagmamasdan siyang tumawa at hinihintay na tumigil. Mabilaukan ka sana, piping dasal ko.
"You know what? A fish is caught by its mouth, so there's no point in denying." She smirked playfully and winked at me.
"Wala akong itinatanggi! Wala akong gusto! Talagang hindi ko lang alam kung bakit ko siya hinalikan!" I shouted angrily trying to save myself from humiliation but she just grinned evilly, not believing my reasons.

BINABASA MO ANG
Cursed
Misterio / SuspensoThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...