I still can't get over to the incident that happened days ago. Hindi ko nailigtas ang lalaki sa kamatayan. Kung mabilis ko sanang nagawan ng paraan upang pigilan ang nakatakdang mangyari sa aking pangitain, hindi na sana nagluluksa ang pamilya niya ngayon.
Napatingin ako sa isang batang babae, tingin ko ay anim na taong gulang pa lang siya. Nakatitig siya sa kabaong ng kanyang ama, ang kanyang ina naman ay humahagulgol sa tabi niya. Walang emosyon ang mukha ng bata ngunit alam kong batid niya ang nangyayari. Kahit walang emosyon ang kanyang mukha ay nakikita ko ang pagluluksa sa kanyang magagandang mata.
Nawalan siya ng ama dahil sa akin. Dahil sa kapabayaan ko. Muling napuno ng pagsisisi ang aking puso.
"Kalimutan mo na ang nangyari, hindi sa lahat ng oras ay magagawa mong pigilan ang kamatayan," Sabi ni Cozbi na sumulpot sa aking harapan. She's wearing a short black skirt and a black tube. Kapansin-pansin ang sungay at pakpak niya. Hinahaplos niya ang dulo ng kanyang pakpak habang nakatitig sa mag-inang nagluluksa.
"Baka may makakita sayo," mahinang sabi ko. Sumimangot siya at itinago ang kanyang pakpak at sungay. She walked beside me and bumped my shoulder lightly, just to get my attention.
"Get over it, that's life!" She exclaimed in annoyance. Tiningnan ko siya ng masama. I was about to scold her but I remembered that she won't feel any sympathy, demons don't feel it.
"Kasalanan ko," saad ko. Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ng bata. Ngunit agad niyang binawi ang tingin. Yumakap siya sa kanyang ina saka hindi na muling lumingon sa kinatatayuan ko. I can feel her sadness, fear and confusion.
"What-the-hell-ever!" Naiinis niyang sabi bago tuluyang naglaho sa tabi ko. That evil! I gritted my teeth and clenched my fists. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako. Maybe I'm disappointed with myself for not saving him.
Nagpasya na lang akong umalis dahil wala naman akong mapapala rito. Mas lalo lamang sasama ang loob ko sa aking nasasaksihan. Dahil wala akong dalang sasakyan ay naglakad ako sa gitna ng mahabang daan. Madilim ang daan at halos wala nang sasakyan ang gumagawi sa lugar na ito. Naririnig ko ang ingay na nagmumula sa loob ng masukal na gubat. Ingay na nagmumula sa mga mababangis na hayop.
I stopped walking because of the black cat that suddenly jumped in my front. The cat meowed while staring at me. I raised my brow and continued to walk but the black cat blocked me again.
"Shoo!" Pagtataboy ko ngunit hindi siya umalis. I rolled my eyes and took a side step. Subali't napansin kong sumusunod sa akin ang pusa.
"Shoo!" Muling pagtataboy ko sa pusa pero nakatitig lang ito sa akin. Kaya naman binuhat ko na lang ito at masuyong hinaplos ang kanyang balahibo.
"Ano ba ang problema mong pusa ka? Bakit mo ako sinusundan? May kailangan ka ba?" Mahinahong tanong ko. Para akong baliw na nakikipag-usap sa pusa. Tumalon ang pusa mula sa pagkakahawak ko at tumakbo palayo, tumigil siya sa bukana ng gubat saka ako nilingon. It was like the cat is telling me to follow.
"Fine!" Walang ganang sabi ko bago siya sundan. Tumakbo siya sa gitna ng gubat hanggang sa makarating kami malapit sa ilog. Tumigil siya sa harap ng isang puno at muling lumingon sa akin, muli kong naitaas ang aking kilay dahil sa kanyang inaakto.
Huminga ako ng malalim at marahang naglakad palapit sa pusang itim habang inoobserbahan ang buong paligid. Wala namang kakaiba sa lugar na ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid para sipatin kung meron bang kahina-hinala o may panganib na nakaantabay. Wala talagang kakaiba. Nakarinig ako ng kaluskos sa 'di kalayuan dahilan para matigilan ako. Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking puno upang hindi ako makita ng paparating na nilalang.
Napansin ko ang isang lalaking naglalakad palapit sa kinatatayuan ng pusa. May bitbit siya na malaking bag at napansin kong parang hirap na hirap siya buhatin 'yon. Marahil ay mabigat ang laman ng kanyang dala, ano kaya ang laman? Puno ng kuryosidad kong tanong sa aking isipan.

BINABASA MO ANG
Cursed
Mystery / ThrillerThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...