I spent three days trying to catch the culprit, but he's not showing up. Maybe he decided to hide, for good? And in three days, there's a mysterious guy, who's wearing a hoodie who keeps on following me wherever I go. I don't know who he is but his presence felt familiar.
It's creeping me out!
Nagpasya akong umalis sa kagubatan. Bumalik ako sa pag-aari kong Bugatti Chiron. Binuksan ko ang pinto ng kotse, kinabit ang seatbelt saka pinaandar ang makina bago magmaneho paalis. Hindi na muna ako magmamanman, batid kong alam ng salarin ang aking pakay sa kanya.
Habang nagmamaneho ay pumasok sa isipan ko ang wangis ni Cessair. Kaya dumeretso ako sa kanyang tahanan.
Pinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada nang makarating sa kanilang tahanan saka lumabas. Naglakad ako papunta sa harap ng malaking gate. Mabuti na lamang at nasa labas si Luville, siya ang nagbukas ng gate.
"Ma'am! Ano ho ang ginagawa niyo rito? Bibisitahin niyo ba si Boss?" Maingay niyang tanong habang niluluwagan tali nang suot na apron.
I stopped myself from walking and stared at her. She's now fixing her messy hair while smiling at me.
"Where's pighati?" I unconsciously asked her as I stared blankly on her face.
"Po?" Gulat niyang tanong. Nahimasmasan naman ako. I awkwardly gave her a smile. "Si Cessair," paglilinaw ko. Mukhang naintindihan naman niya kaya mas lumapad ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi.
"Sa loob, Ma'am. May binabasang dokumento para sa meeting nila ni Mr. Sedeja." Kwento niya habang nangunguna sa paglalakad, tahimik akong nakasunod sa likuran niya at pinagmamasdan ang buong paligid. Wala namang nagbago sa kanilang tahanan simula nang bigyan ako ng sumpa. Napa-isip naman ako, parang pamilyar sa akin ang Sedeja, saan ko nga ba 'yon narinig?
Tumigil ako sa paglalakad nang makapasok na kami sa bahay. Agad kong napansin si Cessair, nakaupo siya sa sahig at may suot na reading glasses. Binabasa niya ang isang piraso ng papel, nagkalat din sa tabi niya ang mga papeles.
Mukhang hindi niya napansin ang aking presensya. "Ma'am, kayo nang bahalang lumapit kay Boss. Maghahanda ako ng inumin niyo." Sinundan ko nang tingin ang nagmamadaling si Luville, napansin ko pang sumulyap siya kay Cessair nang palihim.
I removed my moccasin shoes, put it in the shoe rack and silently walked towards him. I picked up some papers and organized it on the center table.
Mukhang nagulat naman siya sa bigla kong pagsulpot. Hindi makapaniwalang nakatitig siya sa mukha ko. Tipid akong ngumiti at lumuhod sa sahig. Nakasuot kasi ako nang asul na peplum dress. I remained silent and let him look at me, I can see the amusement in his eyes.
"What a surprise? Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka?" Kaswal niyang tanong. Walang iritasyon sa kanyang boses, bagkus ay kalmado ang kanyang pagkakasabi.
Just like the old times. I missed this kind of scenery, where the both of us are facing each other and just talk about things that we want in life, our dreams and goals.
"Hindi ka galit?" Tanong ko sa kanya makalipas ng ilang minuto. Noon kasi ay nagagalit siya sa tuwing nakikita niya ako.
Napansin kong lumalim ang gatla ng kanyang noo. Kalaunan ay natawa siya. "Bakit naman ako magagalit?" Ngumiti lang ako at mas piniling manahimik.
Napatitig siya sa suot ko nang ilang segundo. Akala ko'y may sasabihin siya ngunit tumayo lang siya saka naglakad paalis.
I blew a soft breathe. Mukhang ayaw niyang narito ako pero nahihiya lang siyang sabihin.
I sat on the couch and glanced at the document he left on the table. I'm can't help but to get nosy, I read the first sentence on the document.
"So it's about business," I whispered in the back of my head.

BINABASA MO ANG
Cursed
Misterio / SuspensoThere's an evil hiding within one person, controlling their emotions to do bad deed. The bad deed that fuels the desire to do more, to starve for more. A curse was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing...