Chapter 24 - Wrath

22 3 0
                                        

I'm holding a bouquet of white roses and a three boxes of Amedei Porcelana chocolates while walking confident towards Morana's office. People are staring at me, some are secretly taking a picture.

Tumigil ako sa harap ng Elevator papunta sa taas. Ginagantihan ko nang ngiti ang ilang empleyadong nakakasalubong ko sa daan. I need to be polite to them because they work under her company. Nakarating ako sa top floor—kung saan naroon ang kanyang opisina— mabilis akong lumabas sa elevator ngunit bumungad sa paningin ko ang isang lalaking tinititigan ang isang cactus sa working table nito. Sa tingin ko'y lumilipad sa kung saan ang kanyang pag-iisip dahil hindi man lang niya naramdaman ang aking pagpasok.

Naglakad ako palapit sa kanya saka kumaway sa harap ng kanyang mata. Ilang sandali ay napakurap siya at napatingin sa akin.

"Ay, Sir! Sino po sila? May appointment ba kayo kay Miss M?" Tanong niya habang inaayos ang ilang dokumentong nagkalat sa kanyang mesa.

"Is she inside?" I asked him, he nodded his head repeatedly and motioned me to get inside.

Tinalikuran ko siya at humarap sa pinto ng opisina ni Morana. Kumatok ako ng dalawang beses bago pumasok.

Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kabinet at nakatulala lang. Hindi ko alam kung ano ang kanyang tinitingnan.

"Hello, baby!" Masayang bati ko sa kanya. She glanced at me over her shoulder and gave me a piercing look, making me feel uncomfortable.

"Who are you calling baby, Mr. Sedeja?" She asked in a stern voice and walked slowly to my side.

"I'm referring to you. By the way, flowers and chocolates, for you." Binigay ko ang aking hawak sa kanya habang piping nagdadasal na sana'y kunin niya. Napangiti ako nang tanggapin niya iyon. Nilagay niya sa tabi ng kanyang mesa ang bulaklak at itinago ang chocolate sa loob ng fridge.

"Salamat, bakit ka pala naparito?"

"Hihingi sana ako ng permiso," sagot ko habang nakangisi. Hinawakan ko ang aking baba saka siya tinitigan.

"Permiso?" Mukhang namang naguluhan siya sa aking sinabi kaya natawa ako. Inayos ko ang upuan sa harap ng kanyang mesa para ako'y makaupo nang komportable.

"I want to court you, would you let me?" I asked her with full of confidence.

Her lips slowly curved into a smirk. "Nice try, but better luck next time. Kung anuman ang kalokohang nasa isipan mo, drop it. Hindi ako nagpapaligaw. You can get out of my office!" Nakangisi niyang saad at itinuro ang pinto.

Umiling ako habang may ngiti sa mga labi. Kaya gustong-gusto ko si Morana dahil sa kanyang ugali. She's too hard to please. Parang ang hirap niyang pasayahin, very challenging. I should find out what makes her happy.

"Whether you like it or not, I'm still going to pursue you. No one can stop me, Morana. I really like you."

She shrugged her shoulder and turned her back on me, totally ignoring me.

"I'm going to leave, I have a meeting to attend to. See you later, Love." Lumabas ako sa kanyang opisina matapos kong magpaalam, hindi na man siya nag-abalang sumagot sa akin.

Nagmamadaling bumaba ako at bumalik sa aking kotse. Kabaliwan itong naiisip ko pero hindi ako maaaring tumigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko kay Morana.


HINAWAKAN KO ang aking mga labi habang iniisip ang mga binitawang salita ni Devland. Sarkastikong natawa ako, ano nanaman ang pumasok sa isipan ng taong iyon? Bakit ako pa ang kanyang pinag-aaksayahan niya ng panahon. Baka naman bored lang siya.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon