Chapter 1

160 8 0
                                    

Chapter 1
Commotion

"Magandang umaga, Isla!"

Agad akong napangiti nang pumasok si Rian. Natawa pa ako nang makita niyang nakabihis na agad ako at nakatayo na sa labas ng counter. Exactly six in the morning and my shift is already finished. We have this schedule in this expressmart. Sa umaga ay si Nanay ang bantay mula alas sais hanggang alas dose. Si Rian naman kapag alas dose hanggang alas dyis at ako naman kapag alas dyis ng gabi hanggang alas sais ng umaga. Ngayon lang ay nagpalit sila dahil sa personal na bagay. Tatlo lang kaming bantay dahil hindi pa ganoon kasecure ang benta ng tindahan para kumuha pa ng isang tindera. Malapit rin itong tindahan sa bahay kaya hindi rin hassle kay Nanay. Sa may bukana lang kasi ito ng compound namin.

"Sinasabi ko saiyo Isla, matulog ka muna pag uwi mo ah at huwag agad pumasok sa isa pang laban"

Doon na ako natawa ng tuluyan sa kaniya. Rian become my friend when I first landed here at Sto. Domingo. Naalala ko na naman na wala akong alam sa kung anong bus ang sinakyan ko noong makalabas ako ng hospital. Basta na lamang akong sumunod sa nurse na tumulong sa akin na isakay ako at ihatid sa probinsya at dito niya nga ako inuwi sa kanila. Her family is what I wished I had. Dalawa lang sila ni Rian na magkapatid and ina nalang ang mayroon sila. Laking pasalamat ko na tinanggap nila ako and they even allow me to use their last name. Isla Evidente. Georga told them what she knew about me—well just the basics. Hindi niya na sinabi na galing ako sa mayamang angkan ngunit ang pinagdaanan ko ay sinabi niya rito. Hindi sinabi ang lahat pero kung ano ang nangyari sa akin sa hospital. Sinabi lang nito na kailangan kong hiramin ang apelyido nila pansamantala para sa kaligtasan ko. They helped me without asking for a return and without questions and judgements. They helped me live again so I am forever grateful to them. They protected me, reason why I lived my eight years peacefully. Hindi sila mayaman but they are rich with everyone who lives on their compound. Mapalad sila sapagkat punong puno ng pagmamahal ang lugar na ito. Sobrang solid ng pamilyang ito na nakatira sa compound. Kung titingnan ay maliit lang ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay pero anim na pamilya ang nakatira rito. Sobrang swerte ko na rin na dito ako napadpad matapos ang delubyong dinanas ko noon. They gave me strength again to live so I'll be forever hold on to them. Handa akong makipagpatayan para sa bago kong pamilya. Sila na ang pamilya ko ngayon.

"Oo, matutulog ako. Inantok rin ako eh"

"Sinabihan ko na si Nanay na huwag kang paalisin ng bahay mamaya. Susko. Whole day ka na literal kahapon kaya kailangan mo rin mamahinga"

I chuckled. Hindi ko napansing whole day pala ako kahapon sa tindahan. Nagtext kasi sa akin si Rian kahapon na hindi siya makakatinda dahil dinala nila ni Nanay sa hospital yung anak niya.

"Kamusta na pala si Casper? Is he okay?"

"Sa awa ng Diyos ay okay na. Nilagnat lamang daw dahil sa tonsilitis pero nakauwi na rin kami kagabi. Andoon na siya sa bahay pero unahan na kita since nakikita ko na yung saya sa mga mata mo, matulog ka muna bago mo laruin ang anak ko"

Casper Evidente, child of Rian, is close to my heart. He's only three years old but he's really fond of me kaya nag alala talaga ako kagabi. Good thing is, he's okay now. Rian is a single mother gawa ng maagang namatay ang asawa nito dahil sa trabaho nito bilang pulis. Her husband died during the operation of a well—known drug lord on Manila. Her husband got commended and she received money. What they got on his death, Rian used it in this expressmart. Para makatulong ay tumutulong ako sa kaniya.

Hindi ko nalaro si Casper nang umuwi ako. Natutulog kasi ito kaya hinagkan ko nalang ang noo nito at nagpaalam kay Nanay na matutulog muna saglit. May trabaho pa ako mamayang alas dyis sa isang fast food chain naman ng kaibigan ko. Wala naman akong ibang pinag gagastusan maliban sa pamilyang ito pero nagsisipag pa rin ako. Hindi naman sa inoobliga nila ako pero sa kahihiyan rin ay nagkukusa ako magbigay kahit papaano sa gastusin.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon