Chapter 9

82 4 0
                                    

Chapter 9
What now, Isla?


Mag aalas dyis na ng gabi at kasalukuyan na akong nasa tindahan. Naririto rin si Dave at tinutulungan ako sa pagbitibit ng mga bagong deliver na kahon ng mga paninda.

"Maraming salamat, Dave ah? Hindi talaga namin ni Rian inexpect na darating ang mga iyan ngayon" pagpapaliwanag ko sa malalaking kahon na buhat niya. Sa totoo lang ay halos umabot iyon ng sampung kahon at kanina pa siya pabalik balik para maipasok ang mga iyon. Ang suot niyang puting v-neck na tshirt ay basang basa na ng pawis niya kaya ay nahihiya talaga ako. Wala pa naman akong damit na pwede maipanghihiram sa kaniya. Puno na rin siya ng pawis pero hindi naman iyon pangit sa pang amoy.

"Walang anuman, Isla. Basta para sa iyo"

Hindi ko magawang makasagot sa kaniya kaya ay nginitian ko nalang siya ng konti bago asikasuhin ang pumasok na customer.  Naging sunod sunod iyong mga mamimili kaya ay hindi na ako nagtaka na tumabi na lang sa akin si Dave. Nakapagpalit na ito ng itim na loose shirt at hindi na ito mukhang galing sa pagbubuhat ng mga kahon kanina.

"May baon ka na damit?"

Tumawa ito. "Oo. Ayoko naman na mangamoy pawis ako buong oras na kasama ka kaya ay nagdala ako ng extra"

Napakamot nalang ako sa sintido ko at nagpaalam na aayusin iyong mga pinagkainan sa labas pero hindi niya ako hinayaan at siya na raw ang bahala doon. Hinayaan ko nalang kaysa batuhin niya ulit ako ng mga banat. Hindi ko talaga kasi alam ang irereact sa kaniya kapag gumaganon siya ng basta basta. Hindi ko alam kung paano magrereact sa harap niya na hindi siya mao-offend or mabibigyan man lang ng pag asa. Gusto ko si Dave pero hindi iyon sapat para mas lumalim pa ang kung ano sa mayroon kami. Gusto ko siya bilang tao pero hindi sa puntong gustong gusto na asawahin na siya. Wala lang akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya ito ng diretso dahil baka masira ang pagkakaibigan namin.

Napalingon ako kay Dave sa labas nang mag signal ito na itatapon ang mga basura sa nakahandang tambakan ng basura sa amin. Ginagawa kasi ito dito para madali nalang ang trabaho ng mga collectors. Tinanguan ko nalang siya. Inabala ko nalang ang sarili sa pagsasalansan ng mga de lata ng maayos.

Tumunog ang chime. Nakabalik na ata si Dave. Sakto naman dahil may ipapakuha akong box ng mga biscuit sa loob. Ilalagay ko ang mga iyon dito sa estante.

"Dave. Pakisuyo naman po iyong kahon sa storage. Iyong kahon ng mga biscuits. Salamat" Sinabi ko iyon ng walang lingon lingon.

"I am pretty much sure that Dave isn't my name"

Agad akong napalingon. Isang Kaiden na nakasuot ng maroon long sleeve button down dress na naka-tucked in sa black slants pants ang naharap ko. Nakatupi ang mga manggas nito hanggang siko. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya lalo na sa bouquet ng daisy na hawak niya.

"Kaiden? A-Anong ginagawa mo dito?"

Kumunot ang noo nito. Panay rin ang linga nito sa paligid.

"Who's the Dave you're talking to?"

"Ano ngang ginagawa mo dito?"

"Didn't I tell you I'll go here during our call?"

Doon na pumasok iyong tawag namin kanina. Kilala ko siya noon. Madalas ay hindi niya nagagawang tumupad sa kung ano ang sinasabi niya, kalimitan pa nga ay nakakalimutan niya pa iyon unless iprovoke kaya ay hindi ko ganoon inisip. Inisip ko na spur of the moment lang iyon kaya nasabi niya na pupunta siya dito.

"But I thought you're not coming?"

"Who said I won't?"

"Ako?" patanong na sagot ko.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon