Chapter 18

49 3 0
                                    


Chapter 18
Welcome Home

I smiled as I watched Casper running with his dog. Kasalukuyan kasi kaming nasa labas. Nagtatanim ng mga gulay sina aling Minerva at Nanay sa may bakuran ng bahay habang si Rian ay naiwan sa loob dahil siya na raw ang magluluto. Pinilit ko mang tumulong ay pinagtabuyan niya ako. Anya'y gusto niyang bantayan ko na lang si Casper habang nagluluto siya.

Ang dali lang ng mga araw. Hindi ko lubos akalaing aabot kami ng isang buwan sa bahay na ito. Aminado akong sa una ay hindi ako makapaniwala pero habang patagal nang patagal ay mas naiintindihan ko na. Hindi pa rin mawala wala ang sakit kapag naiisip ko na handang pumatay ang pamilya ko para sa pera at hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang panahon na ang taong hindi ko inakalang tutulong sa akin sa mga ganitong sitwasyon ay ang siyang tutulong at handang makipagpatayan para sa akin ngayon. Para akong mababaliw kapag iniisip ko nang iniisip kaya minsan ay pinipilit ko ang sariling kalimutan muna iyon kahit saglit lamang.

"Tata Pweston!"

Agad na napalingon ako sa biglaang lingon ni Casper at sa itinawag nito. Doon ko nakita ang sasakyan ni Preston. Sa loob ng isang buwan, ilang beses na pumupunta rito si Preston. Alam kong bahay niya ito pero nagtataka pa rin kami sa kung paanong pabalik balik ito gayong ang alam ko ay may bahay naman siya sa sentro ng Sto. Domingo. Hindi rin kasi kami nagtatanong dahil tingin namin ay wala kaming karapatan para roon.

"Tata Pwestoooooon!" mahabang sigaw ni Casper habang tumatakbo pasalubong kay Preston. Nakasunod dito ang aso niya na akala at ay nakikipaghabulan siya. On the other hand, Preston showcased his smile to Casper. Nagtinginan tuloy kami ni Nanay na nakalapit na pala sa akin.

"Kung hindi ko lang naabutan ang yumaong asawa ni Rian ay aakalain kong si Sir Preston ang tatay ni Casper"

Napalingon ako kay Nanay nang tuluyan. Ganoon din kasi ang naiisip ko pero malabo. Kamukhang kamukha si Casper ng yumaong asawa ni Rian at halos sa akin rin ito lumaki pero hindi rin kasi biro ang pagkakalapit ng loob nina Casper at Preston. Iyang ngiti ni Sir Preston ay ang ngiti na ibinibigay niya lamang kay Casper at alam kong mahirap si Casper mapalapit sa ibang tao pero ang dali lang itong napalapit dito; maging si Preston rin base sa kung paano ko siya nakilala. Tinatanong ko naman si Rian pero umiiwas ito. Anya'y hayaan ko na lamang ang dalawa.

"Isla"

Pinilig ko ang ulo ko at tuluyang hinarap si Preston na nasa harap na namin at buhat buhat ang bata. Casper's silently eating a donut—which is pasalubong ni Preston—habang ang asong si Tonton ay talon nang talon sa paanan ni Preston.

"Hmmm" I don't know what to say. Alangan naman kasing sabihin ko ang "Napadalaw ka?" at "Anong ginagawa mo dito?" eh bahay niya nga ito?

"I don't have your flowers today. Walang delivery yung feeling boss ko"

I smiled. Hindi naman kasi bulaklak ang gusto kong makita. I sighed. Halos tatlong linggo'ng hindi nakauwi si Kaiden. Sabi ni Preston ay nagkaroon ng malaking problema sa isang branch ng itinayo nilang building at nasundan ng pagguho sa isa naman na itinatayo kaya ay naging busy ito at hanggang sa umabot na ng dalawang linggo itong walang paramdam. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay hindi dumaan ang araw na napag isip isip ako. Hindi nawala sa utak ko ang huling sinabi nito na may sasabihin siya pag uwi niya at isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ako mapakali sa araw araw na ginawa ng Diyos na wala siya.

"O-Okay lang—" hindi ko natapos ang sasabihin nang masilayan ang isang kotse na paparating. Hindi pa man nakikita ang loob ay abot abot na ang pagtibok ng puso ko.

Kilala ko. Kilalang kilala ko ang sasakyang iyon. Sa naisip na pangalan ay halos panlambutan ako ng mga tuhod. Shit. Hindi ko ito napaghandaan.

"K-Kaiden" nasambit ko na lamang nang bumaba ito sa sasakyan niya. Sa oras na pagbaba nito ay tuluyan na akong nawalan ng lakas na itago ang kasabikan ko. Agad agad akong napatakbo sa naghihintay na Kaiden na noon ay nakalahad na ang mga palad na animo'y senyales na salubungin ko siya ng yakap. Ayoko na. Pagod na ako magpanggap. Hindi ko na kayang itago na sa loob ng walong taon ay siya at siya pa rin. Tama nga si Preston. Distance do really makes the feeling grow fonder.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon