Chapter 4
Stay with meTatlong araw bago matapos ang palugit ni Kaiden. Kagabi ay hindi ako natulog. Nanatiling bukas ang mga mata ko hanggang sa umabot na nga ang umaga. Huwebes ngayon at day off ko sa trabaho sa fast food chain pero naligo pa rin ako ng maaga at nag ayos.
Kasalukuyang nasa harap ako ng salamin sa kuwarto ko. Kanina pa ako nakatulala lamang habang binubutones ang peach orange kong blouse na hanggang siko ang haba ng sleeve. Nakapantalon lang akong hapit na itim at naka-beige na sandal. Ang buhok ko ay basa pa pero hinayaan ko lang iyon na nakalugay hanggang baba ng dibdib ko.
Hindi alam nina Rian kung saan ang punta ko ngayon. Ito ang unang araw na aalis ako sa araw ng pahinga ko na hindi sa tindahan ang tungo. Hindi ako nakapagpaalam pa dahil maski ako ay hindi pa sigurado sa gagawin.
Ngayon ay pupuntahan ko na si Kaiden. Hindi ko na kayang daluyan pa ng sobrang hiya sa mga kasamahan ko dito sa compound. Lahat sila ay umaasa pa rin sa akin.
Kagabi ay nag isip isip ako. Anraming rason ang pumasok sa utak ko para hindi siya kitain pero habang naiisip ko iyon ay pumapasok sa akin ang mga ngiti at masasayang alaala ng mga tao rito sa amin. Malawak ang lupain na ito ngunit isang maliit na parte lang ang tinirhan nila noon at namin hanggang ngayon ngunit kung maliit man tingnan ay talagang sakop pa rin ito ng itatayong istablishemento ng mga Santander. Maging ang tindahan sa may bukana ay masasabay sa pagtibag kung wala akong gagawin.
Galit at puno pa rin ako ng hinanakit sa kanila pero tinatatagan ko ang loob ko para sa pamilyang nagparanas sa akin ng kung ano ang pakiramdam ng may pamilya. Gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko. Sinisigurado kong hindi matutunaw ang galit ko kapag nagkita kami.
"Tata Lala! Saan punta?" Ang agam agam ko sa kwarto ay pansamantalang nawala nang sumalubong sa akin si Casper. He's wearing his spiderman terno pajamas. He's cute kaya ay napangiti ako sa kaniya habang pinanggigilan ang pisngi nito. Maaga pa naman kasi. Alas otso na ng umaga kaya hindi na ako nagulat na nasa kusina na si Rian at nagkakape. Nginitian ko ito.
"Saan punta mo? Maaga pa ah?" Rian asked me as she poured hot water on her mug.
Naupo ako saglit sa harap niya. Kumalong naman sa akin si Casper habang kinakain ang nakahandang tinapay na may palaman na peanut butter.
"Nakapagdesisyon na ako, Rian" kalmadong sabi ko pero kita ko ang bigla sa mukha nito.
"Sigurado ka ba?"
I nodded. "Pinag-isipan ko na ito kagabi, Rian. Ayokong magkawatak watak tayong pamilya so I'm setting aside my emotions and be practical. Kahit ito man lang ang maibawi ko sainyo"
Rian reached my hand. "Hindi ka namin sinisingil, Isla. Masaya kaming nandito ka. Masaya ang anak ko na andito ka. Huwag mo sanang isipin na maaaring palayasin ka namin dahil dito. Hindi kami ganoon kababaw, Isla. Maiintindihan ka namin"
Napahiya ako. Mistulang mali iyong pagkakasabi ko sa kaniya kaya ay agad ko iyong niklaro. "Naiintindihan ko naman kayo, Rian at ipinagpapasalamat ko iyon sa Diyos na sainyo ako napadpad. Napamahal na ako sa inyo kaya gagawin ko ito. Sobrang laki ng naitulong niyo sa akin kaya kahit dito man lang ay makabawi ako."
Rian examined me before she nodded. "Sige. Kung iyon talaga ang gusto ng puso mo, sige. Pero sa oras na malaman ko na sinaktan ka ng Santander na iyon ulit ay kami na dadayo nina Waldo para sapakin iyon"
Don't worry. I won't hurt myself. I will go there because of our land, not that I'm letting mysef into with them again.
Habang lulan ako ng tricycle na sinakyan ko papunta sa hotel na tinutuluyan ngayon ni Kaiden ay hindi nawala sa isip ko ang ngiti sa mga kabaro ko nang sabihin ni Rian na kakausapin ko na ang mga Santander. Inakala na talaga nila na ako talaga iyong tinutukoy na Isla Castillano at inisip na ako lang ang makakasalba sa amin. Sila na rin mismo nagsabi sa akin kung saan pansamantalang nanunuluyan si Kaiden dito sa Albay.
BINABASA MO ANG
Chasing Laurel
General FictionStatus: Completed. Notice: This story contains mature contents, vulgar words, and is rated 18. If the three were not your forte, kindly leave this novel. Furthermore, the views and opinions of the characters does not reflect the writer's own perspec...